¤ABIGAIL¤
Ang himbing ng tulog ko ng biglang magring ang phone ko sa tabi ko. Di ko pa gaanong mabuksan ang mata ko kaya todo kapa lang ako sa tabi.
Yeah. Sa kotse ako natulog. At nakapark ako sa tapat ng apartment namin ni Jen. Sa kakakapa ko nalaglag na pala ang cellphone ko. Kaya imbis na cellphone kong ring ng ring ang makapa ko, isang papel na nakatupi ang nahawakan ko.
Agad kong kinuha ang papel at di ko muna pinansin ang cellphone ko.
"Aray?"
Medyo masakit pala talaga sa likod ang matulog sa sasakyan kahit nakababa na ang sandalan. Iba pa rin yung nakaunat ang buo mong katawan sa kama.
Binuksan ko ang papel at don na ako nagkatsansang buksan ang mga mata ko dahil natakpan na ng papel ang mukha ko mula sa araw. Nakakasilaw at ang sakit sa mata ha? Ramdam ko yung puyat na puyat ako.
Good morning. For sure mababasa mo to tanghali na. Sobrang napagod ka at inumaga na tayo kakakwentuhan. I hope napagaan ko ang loob mo kahit papaano. Always remember na no one deserves your tears except for the real ones who loved you for no reason and w/o promises. Kaya, kaya mo yan. Nice meeting you, Abi. Take care always.
-Patrick
PS.: ito ang number ko. kung gusto text or call mo lang yan if you want to talk.:) 0917*******.
Kay Patrick Chavez pala galing.:)
And I am.... smiling?o_O
Whatever Abi... -_-
*Iphone Tune*
Calling...
Jennifer
Oh my God. Kanina pang tawag ng tawag si Jen. Lagot.