¤RODNEY¤
Nang makaalis si Abi, I felt my tears. Napatingin ako kay Anton at sa boyfriend "daw" ni Abi. Ayokong makita nila na humina ako nang makita ko yung mga mata ni Abi habang lumuluha at punong-puno ng galit sa akin.
Agad akong umalis. Nagdrive ako nang mabilis para makaalis sa lugar na yon.
Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga sinabi ni Abi at ang mga mata nyang lumuluha, sakit at galit ang ibig sabihin.
Hindi ko na nga halos maramdaman ang sampal nya sa akin. Manhid na ba ako? Pero naaapektuhan ako sa noong makita ko sya.
Alam ko na darating kami sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako handa. Dahil mahal ko pa rin si Abi. I have to sacrifice my happiness to avenge my parents' death.
Hindi ko na napansin na napatigil na ako sa pagdadrive dahil sa pag-iyak at sakit na nararamdaman ko.
Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto ko syang sundan. Gusto kong magsorry. Gusto kong magkabalikan kami. Gusto kong sabihin sa kanya, kung gaano ko sya kamahal. But it's too late. Because I already lost her. Because she's now with somebody else.
¤ANTON¤
Pagkatapos ng mga nangyari kanina, napako muna si Patrick sa kinatatayuan nya kanina nang mag-walk out ang "girlfriend" nya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala namang nababanggit sa akin si Pat. Paanong bigla syang nagkagirlfriend.
Infairness naman sa taste ni Pat. Maganda yung.... si... si ano..... Aa.... Aaa..... Abi ba yon? Maganda sya. Maputi. Medyo napagkaitan ng height pero mukhang mabait naman at masayang kasama.
Pero kanina, wala akong ibang nakita sa kanya kundi sakit at galit kay Rod.
Teka, isa pa yon. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Basta kanina....
FLASHBACK
"Good afternoon!" Bungad ko pagpasok ng cake and pastry shop ni Pat.
Kadalasan kasi ang nag-aabang sa akin si Pat.
Pero ang bumungad sa akin si Lhea. Akala yata ako si Pat.
"Oh? Nasan si Pat?" Tugon ko.
"Di ko alam. Akala ko nga magkasama kayo eh. Di din naman nagtetext. Hindi din nagrereply." Sagot naman sa akin ni Lhea.
Nasan naman ang lalaking yon?
"Teka, tinawagan mo na ba? Baka naman umuwi? O baka nasa bahay nila mismo." Sabi ko.
"Siguro? Pero hindi ko pa sya tinawagan baka maabala ko pa. Baka nasa bahay lang yun? Puntahan mo kaya? Malapit lang naman." Sabi ni Ley.
"Ewan ko. O sya, sige. Ako nang bahala. Itetext nalang kita kung ano." Sabi ko..
"Sige, ingat ka." Pahabol ni Ley.
"Sige, thanks." At lumarga na nga ako.
Nakasakay ako ng motor ko pabalik at papunta sa bahay ni Pat nang makita kong nakapark ang kotse nya sa isang coffee shop. Kaya agad akong tumigil para kumpirmahin sa plate number ng kotse.
"ADJ 1644? Kay Pat ngang kotse. Teka..."
Bukod don, mas nasurpresa pa ako ng mapansin kong may nagsusuntukan sa harapan ng coffee shop.
Bigla akong kinabahan. Hindi naman siguro makikipagbasag ulo si Pat di ba? Hindi nya ugali yon.
Pero nang lumapit ako, nagulat ako sa nakita ko.