•PATRICK•
While I was driving, I took my phone and dial Mr. Ramon Crisostomo.
"Hello?" He answered.
"Atty. Crisostomo? This is Mr. Chavez's son, Patrick Chavez. Can we meet?" Pag-iimbita ko.
"Is there something wrong, Mr. Patrick? If this about my resignation, sir~" agad kong pinutol ang sasabihin nya.
"Attorney, my father was rushed in the hospital about an hour ago because of heart attack. My father is worrying too much dahil sa mga nangyayari. And I believe that I should do something. At wala na akong ibang maisip na tutulong sa akin kundi kayo lang, attorney. I am begging you. I want to save my family business from the hands of Rodney Lastimosa. Alam kong may ginagawa syang hindi alam ni Papa. So please help me, attorney. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. If you need something, ibibigay ko. Lahat! Para sa pamilya ko." Kinapalan ko na ang mukha ko at buong loob na akong nagmakaawa.
Mga ilang segundo din syang tahimik. Hindi ko na naantay pa ang sasabihin nya. Hininto ko ang pagmamaneho at itinabi ko ang kotse.
"Attorney, kaibigan mo si Papa. Kahit papano may pinagsamahan kayo. Hahayaan nyo ba na bumagsak ang kumpanya? Nagmamakaawa ako attorney." Ubos na ubos na ako. Lahat na ata ng klase ng pagmamakaawa nagawa ko na.
"Mr. Chavez, magkita nalang tayo sa isang restaurant malapit sa office nyo." Tugon nya. Na ikinatuwa naman ng diwa ko.
Lubos ako nagpasalamat sa kanya at saka na ako dumeretso sa restaurant na sinasabi nya. Pagdating ko don ay ilang minuto ko pa syang hinintay. Akala ko nga di sya sisipot. Pero nang dumating sya, lumuwag na ang dibdib ko.
•JENNIFER•
Galing akong trabaho, pagdating ko sa apartment, as usual, di ko nadatnan si Abigail.
Out of the blue, pumasok sa isip ko si Patrick. Noong nagkita kami, nakita ko sa mga mata nya ang sinseridad. 3 years ago, iniwanan ni Pat si Abi sa party dahil akala nya, ok na sila ni Rodney. Well, obviously, mali sya. Kasi gusto na sya ng best friend ko nung time na yon. Itinatanggi lang ni Abi sa sarili nya. May pagka-in denial din kasi tong si Abigail e.
On the other hand, gusto ko din naman na makapag-usap na si Pat at si Abi dahil once and for all, gusto ko na maayos na nila ang gusot sa kanilang dalawa. Ramdam ko na may gusto pa rin si Patrick kay Abi. Si Abigail? Ayun, nagmomove on pa rin. Kahit wala naman dapat ipagmove on. Sa loob ng 3 years, minsan, alam ko na naaalala pa rin ni Abi si Pat. Gusto nyang itanong kay Anton kung kamusta na si Patrick pero di nya magawa. Pero deep inside, alam ko. Kaibigan ko sya e. Kilala ko na si Abigail. Pati liko ng bituka nya, alam ko na din.
Madalas din si Abi sa tulay kung san "daw" nya unang nakilala si Patrick. Nung minsan na yinaya kami ni Anton na gumala kaso naiwan nya ang wallet nya. Alangan namang ako ang gumastos aber? Sinabi sa amin ni Abi na mas maganda kung magpicnic nalang kami. May alam daw syang lugar. Pumunta kami sa park, at don pala sa park na yon dinadala ni Pat noon si Abi. Don pala sila nagkaroon ng kasunduan. At pano ko nalaman? Syempre, kinuwento nya sa picnic namin na yon.
I found myself stirring my coffee while reminiscing those moments na naaalala ni Abi si Pat. With that, naconfirm ko na malakas talaga ang tama ni Abi kay Patrick. Kahit sino naman yatang babae. Kasi gentleman naman sya, mabait, boyfriend material, isama mo na ang mayamang binata at nag-iisang anak ng pamilya na nagmamay-ari ng sikat at malaking kumpanya.