Narrator
Today is the night. Everything is settled. Everything is prepared. Madaming bisita ang dumating. Wala pa ang mga Chavez at ang bagong CEO ng GranMotors. Kahit sina Patrick at Abi.
Hanggang sa dumating na ang oras ng entrance ng Chavez Family. Pero wala pa rin si Patrick.
Patrick is their only son. Kaya inaasahan sya na kasama sa entrance.
Pero kay Mr. Julio Chavez, mahalaga ang oras kaya isinagawa na ang entrance kahit wala ang nag-iisang anak na si Patrick Chavez.
"Ladies and Gentlemen, to begin with this wonderful event, let us all welcome, Mr. and Mrs. Julio Chavez! The owner of the biggest company of car businesses here in Philippines! And now, soon to have an expansion in other countries."
Palakpakan ang mga tao.
Nag-aisle entrance ang mag-asawang sina Mr. and Mrs. Julio Chavez.
Habang naglalakad sila patuloy din ang salubong sa kanila ng mga flash ng camera mula sa mga media. Hindi naman maiwasang magtaka ng mga media at ibang bisita kung bakit hindi kasama ang nag-iisang anak ng Chavez na si Patrick.
Samantala...
Sa kotse naman pa si Rodney habang hinihintay ang pahintulot ng stage organizer.
Pagkatapos ng entrance ng mag-asawang Chavez, sunod na ang speech ni Julio at saka pa lamang papasok si Rodney para ihatid ang mensahe nya.
¤PATRICK¤
Pagkatapos ko mag-ayos sa sarili ko sumakay na agad ako ng kotse para sunduin si Abi.
Kaso baka hindi nya inaasahan na susunduin ko sya. Kaya tinawagan ko muna sya.
Calling...
Abigail Palanca
"Hello, Patrick? Napatawag ka? Pupunta na ako don. Don mo nalang ako hintayin."
"No. Ako ang susundo sayo. Papunta na ako jan kaya ako napatawag sayo."
"Ano? Wag na! May kotse naman ako eh. Nakakahiya sayo."
"Nakakahiya?? Ano ka ba? Abi, kung kaibigan mo talaga ako, hahayaan mo na ako na sunduin ka. Papunta na ako dyan. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? Na ang boyfriend mo, hinahayaan kang bumyahe mag-isa ng naka-formal wear?"
"Sira ulo ka talaga. Oo na, oo na! Ayan ka na naman eh. Ehh nasan ka na ba?"
"Nandito na sa labas ng apartment mo."
"Ha!? Ang bilis mo naman!?"
"Kanina pa kasi ako nagmamaneho papunta dyan."
"Jusmeyo. O sya sige. Lalabas na ako. Wait lang. Ibaba ko na ha? Bye."
"Ok. Waiting lang ako dito."
Call Ended
Napatingin ako sa orasan ko.
9:25 pm na. Eh ang nakalagay sa invitation, 9pm ang start. Siguradong pagagalitan na naman ako ni dad.
Patuloy lang ang paghihintay ko nang biglang may lumabas sa pintuan ng apartment.
"Hi! Ikaw ba si Patrick? Boyfriend ni Abi?!" Tanong nya. Boyfriend din pala talaga ang pakilala ni Abi sa akin sa kanya. Sya siguro yung sinasabi sa akin ni Abi na bestfriend nya.
