Narrator
It has been 3 years since Patrick left Philippines with Lhea for Korea. Sumunod sila kay Rhemie at Diane. At yun nga ang ikinagulat ng dalawang kaibigan ni Lhea. Kung bakit kasama nito ang bestfriend nyang si Patrick. Patrick lost his contact to his mom after their last convo. Patrick became busy working at the convenient store 24/7.
Umaga na nakakauwi si Pat pagkagaling ng trabaho. Thinking na akala nya magiging okay na ang lahat, narealize ang mga naiwan nya sa Pilipinas na ngayon ay namimiss nya.
Ang bestfriend nya, ang shop, ang baking...
at si Abi.
All this time, yun pa rin ang nakatatak sa utak nya. Na masaya na si Abi with Rodney, na nagkabalikan sila. Unlike Abi, she's waiting.
Hinihintay nya pa rin si Patrick para marinig ang side nito.
Though, unti-unting naging okay si Abi. Nagpatuloy ang buhay nya. Nakatutok pa rin sya sa shop nya.
Since Abi is still waiting for Pat's coming back, she used to visit Pat's cake and pastry shop na si Anton na ngayon ang namamahala.
At dahil don, naging magkaibigan si Abi at si Patrick kahit papaano.
Pati si Jen.
Nagiging suki na nga si Jen ng mga pastries nina Anton.
And Rodney? Pansamantala nyang hindi muna ginambala si Abi. Kasalungat sa nasa isip ni Patrick, sinusuyo pa rin ni Rod si Abi.
And since he is the CEO now, maayos naman nyang napapatakbo ang kumpanya.
But with his another friend, Cassandra Hernandez, happened to be his private lawyer, some of his plans and everything was falling into places.
Pero si Julio, patuloy na nabibilog ni Rodney. Na ikinakatuwa naman ni Rodney.
At dahil sa pagdududa ni Rosa Chavez, pinipilit na nga nyang umuwi ang anak. Dahil kahit papano'y, may karapatan pa rin naman si Patrick sa family business nila dahil isa pa rin syang Chavez. May parte pa rin sya, karapatan at kapangyarihan sa kumpanya.
PATRICK
Pag-uwi ko galing trabaho, nagulat ako nang maabutan ko don si Lhea.
Humiwalay na kasi ako sa kanilang tatlong magkakaibigan. Nahihiya na rin kasi ako. Since may trabaho naman na ako, nagpasya na akong bumukod.
"Oh Ley? Anong ginagawa mo dito? Teka ha? Bubuksan ko lang ang pinto." Pagmamadali kong paghahanap ng susi sa bag na dala ko.
"Nako, wag ka na mag-abala. Nagpunta lang ako dito para ipaalam sayo na tinawagan ako ng mommy mo." tugon ni Lhea.
Natigilan ako.
"Pat, kailangan mo nang umuwi ng Pinas. May hindi daw magandang nangyayari sa kumpanya nyo." pahabol pa ni Lhea.
"Kaya na yon nina Papa---" naputol ang sasabihin ko...
"---yun na nga ee. Parang walang pakialam ang dad mo. Kasi buong-buo ang tiwala nya sa bagong tagapagmana nyo." sabat ulit ni Lhea.
Napatingin ako sa kanya. Pero yung tingin kong yon, may halong pag-aalala sa kumpanya namin.
Sa una palang talaga, iba na ang kutob ko sa lalaking yon. Iba talaga ang ugali nya.
Don palang sa nagawa nyang talikuran si Abi para lang sa karir at itanggi sa media para sa pansariling dahilan, may hindi na tama.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Napaisip ako.
Napaisip ako sa pag-uwi ko ng Pilipinas, naisip ko ang mga dapat kong harapin at balikan.
"Pat, hindi mo kailanman matatakbuhan ang hamon ng buhay na nakalaan para sayo. When you finally think that you're okay and it's all done? Na tapos na? That's when you'll realize na ang lahat... nagsisimula palang pala."
Nagising ako sa sinabi na yon ni Lhea. She's right. Hindi matatapos to kung hindi ko tatapusin ang sinimulan ko. At hindi matatapos to dahil hangga't buhay ako, patuloy akong kikilalanin bilang isang Chavez. Ang nag-iisang anak ni Julio at Rosa Chavez.
