•PATRICK•
Mistakes are mistakes. It's either you'll be given a chance to make them right or patawarin ka nalang at di bale nang makabawi sa kanya dahil mas pinili nyang patawarin ang sarili nya dahil hinayaan nyang masaktan ang sarili nya sa mali at padalos-dalos nyang desisyon. I belong to the two options. Kaya sobrang gulo talaga ng isipan ko ngayon. I need to settle things with my family business and most especially with Abigail. Nakapagdesisyon na ako na layuan muna sya pagkatapos ng naging pag-uusap namin. Sinabi ko na din kay Jen ang plano ko. At naintindihan naman nya ako. Pero syempre, mas pabor nya ang kaibigan nya. Hindi dahil sa bestfriend lang nya, kundi dahil ako naman talaga ang nagkamali.
Bukod don, mas madami akong dapat harapin sa kumpanya. Alam kong wala akong karapatan sa kumpanya kaya pinanghawakan ko nalang na ako pa rin ang may-ari ng dahil ako pa rin ang nag-iisang anak ng mga Chavez.
Nagpatawag ako ng meeting with the board members. At dahil wala akong tiwala kay Atty. Hernandez, hindi ko ipinaalam sa kanya ang meeting. Dumalo naman ang limang board members na sa pagkakaalam ko dati ay may walong tao ang bumubuo nito.
"Sir, hindi po ba magagalit si Mr. Lastimosa kapag nalaman nyang nagpatawag ka ng meeting nang hindi nya alam?" Tugon ng isa sa kanila.
"Una, nawala sya ng parang bula pagkatapos ng iniwan nyang krisis sa kumpanya natin. Pangalawa, hindi ko din naman maipapaalam kung gustuhin ko man dahil kahit ang private lawyer at staffs nya, hindi alam kung saan sya hahagilapin." I cleared my throat first before I continue. "Nagpatong-patong na ang mga pipirmahan nyang papeles para sa kumpanya. I can't believe he could do this to all of you. In behalf of our family, I apologize. Hindi ako mangangako, pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para bawiin lahat ng nawala sa atin."
"Paano sir? I'm sorry but we all know na wala kang pwesto sa kumpanyang ito." Tanong naman ng isa.
"Since I am the only son of my father, the owner of GranMotors, I will be taking over my dad's position for now. At dahil don, may karapatan akong alamin at pakialamanan at baguhin ang mga ginagawang sa tingin ko ay mali ni Rodney Lastimosa." Nakita ko naman na parang agree ang board sa sinabi ko. Nagkatinginan sila at tumatango sa isa't isa.
"Well, we expect this crisis we are having now will come to an end with the help of the only son of Mr. Julio Chavez, Mr. Patrick Chavez." Tugon ng kaninang nagsalita.
"You know guys, I can't do this alone. Kaya I would like you to meet, our loyal friend, Atty. Crisostomo." Tugon ko. At nang pumasok si Atty. Crisostomo, mas nakita ko sa mukha ng board members ang pag-asa sa akin.
"Mr. Patrick, sir, we'll all be on your side." Sabi ng nasa tapat ko at inoffer sa akin ang kamay nya for a hand shake. I smiled and gave him a little hand shake. "Thank you." I said as we move on and continue our discussion.
•ABIGAIL•
Habang nagpeprepare ako going to my shop, I suddenly received another text message from Rodney's new number. Aaminin ko, nag-aalala ako sa kanya. I wanted to inform ate Cess pero nagmakaawa si Rodney sa akin na walang makakaalam kung nasan sya kundi ako lang. He seems weird from the moment he called me when we're heading to the hospital where tito Julio was confined.
FLASHBACK
"Abigail? Si Rodney to. Kailangan kita. Kailangan kong makausap si Patrick. Tulungan mo ako."
After saying that, bigla nalang nya akong binabaan. Kinabahan ako. Kaya tinawagan ko ulit yung number. It's ringing pero hindi na nya sinasagot.
"Sino daw yung tumawag?" Tanong ni Jen sa akin.
Nang magsasalita na ako bigla naman akong nakareceive ng text galing sa number na nagpakilalang si Rodney.