Chapter 3- He knew.

147 0 0
                                    

¤ANTON¤

Grabe. Tataba nga ako sa mga kaibigan kong magagaling magbake. Linggo-linggo ba namang magpaligsahan sa pagbabake? At ako pa ang piniling judge. Ayan tuloy. Linggo-linggo ding may cake sa bahay. Tuwang-tuwa naman ang mga kapatid ko na nagsisitabaan na din.


Pauwi na nga ako galing sa cake and pastry shop ni Patrick. Kami pala. Kasabay ko nga pala sa sasakyan si Lhea na tulala. Di pa siguro maka get over sa pagyakap sa kanya ni Patrick kanina. Papasok na sana ako galing kotse kasi nilagay ko nga yung mga cake. Biglang niyakap ni Patrick si Lhea. Alam ko at nararamdaman ko na matagal nang gusto ni Lhea si Pat. Pero hindi sinasabi ni Lhea. Ang panget nga naman non sa babae. Mukha namang ramdam na din ni Pat. Pero kinakantsawan ko parin si Lhea pag kami nalang dalawa.


"Uuy? Tulala. Yakap lang yun." tugon ko.

Parang nagising ng binuhusan ng malamig na tubig si Lhea nang marinig ang sinabi ko. Napatingin sya sa kin pero tahimik pa din. Humarap ulit sya sa bintana ng pinto ng sasakyan.

"Wag pakadamdamin. Hehe." pang-aasar ko pa.

"Tumigil ka dyan, Anton ha."-sya

"Ayaw pa kasing sabihin eh."-ako

"Anong sasabihin ko? Kanino?"-sya (painosente)

"Kay Mr. Chavez mo. Yung dapat nyang malaman."-ako

"Wala syang dapat malaman, Anton."-sya na malayo parin ang tingin sa labas.

"Sige ka. Pag nainlove yan sa iba, goodbye Patrick ka na."-ako. Napatingin sa akin si Lhea. Habang ako, patuloy lang sa pagdadrive.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan... magmaneho ka na nga lang."-sya. Halatang inis na sa mga sinasabi ko.

"Alam mo, Lhea, kahit lalaki ako, alam kong matagal mo nang gusto si Patrick. Matagal na tayong magkakaibigan. Wag na tayong maglokohan."-tugon ko. Na mukha namang narerealize nya.

Natahimik sya sandali...

"Wala ding mangyayari kahit sabihin ko."

"Ano naman ang kasiguraduhan mo? Mabait si Pat."-ako

"Exactly. Mabait sya. That's why he'd rather treat me as his bestfriend to avoid hurting my feelings. To avoid hurting me."-sagot ni Lhea.

"Why would you say that?"-ako. (shockingly)

"Because he knew my feelings ever since."-sya

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon