Chapter 16- The Revenge Begins

26 0 0
                                    

¤RODNEY¤

Nawalan na ako ng magulang. Mawawalan pa sa akin si Abi. Hindi na ako papayag.

Para matapos na to, ipagpapatuloy ko na ang plano ko. Saka ko babawiin si Abi.

"Hello. Gusto kong pa-imbistigahan mo ang Patrick na boyfriend ni Abi ngayon."

Kausap ko ang tauhan ko sa kabilang linya.

"Sige sir. Ako na pong bahala sa kanya. Itutumba ba sya sir?"

"Wala kang gagawin sa kanya maliban sa ipinaguutos ko sayo. Babayaran kita kahit magkano. Malaman ko lang kung sino ba talaga ang Patrick na yan."

"Sige po. Gagawin ko sir."

"Sige bye."

Pagkapatay ko ng tawag biglang may nagbukas ng pintuan ng opisina ko.

Bastos. Ni hindi marunong kumatok. Atsaka anong ginagawa ng assistant ko sa labas? Bwisit!

"Rodney."

Si ate Cess pala. Kahit kailan talaga ang babaeng to.

Laking gulat nya ng makita ang mga pasa sa mukha ko.

"Anong nangyari sayo!? Sinong may gawa nyan sayo?"

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Wala. Umalis ka na."

"Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi sa akin kung sino ang may gawa sa yo nyan!"

"Wala ka nang pakialam. Umalis ka na."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon