Chapter 32 - Until they meet again

23 0 0
                                    

ANTON

Pagdating namin sa ospital, pinasunod ko sila sa akin. Pero syempre, nagpadeleying tactics ako. Pilit kong kinokontak ang cellphone ni Patrick na hindi nya sinasagot kanina pa.

Nakakadalawampu na yata akong subok pero wala pa rin. Nagsend nalang ako ng text message sa kanya pero walang reply akong natatanggap. Hay nako Patrick! Pansinin mo ako!! Sigaw ko sa isip ko.

Hanggang sa nakarating nalang kami sa room ni tito Julio. Hindi naman namin nadatnan si Patrick don. Pero nandon yung bagong Atty. Cassandra at si tita Rosa. Nagkatinginan kami ni Jennifer. Para bang sinasabi ng titig nya, "Buti nalang wala si Patrick." at pinarating naman ng titig ko sa kanya, "Paano kung biglang dumating? Lagot na." Pero agad din syang bumaling ng tingin sa magkausap na sina Abi at tita Rosa. Nakikibalita si Jennifer.

Patuloy ang pagcontact ko kay Patrick pero wala pa rin talaga.

•PATRICK•

Pagkatapos namin magkausap ni Atty. Crisostomo. May mga bagay akong nalaman. At naging patunay ko yon sa likas na kasamaan ni Rodney. Ngayon, alam ko nang planado nya ang lahat ng nangyayari sa kumpanya.

Naging malinaw sa akin ang lahat maliban sa isa.

FLASHBACK

"Salamat, Attorney. Sana hanggang dulo kasama ko kayo. Desidido na po ba kayo sa pagtulong sa aking mabawi ang kumpanya?" Muli kong tanong kay Atty. Crisostomo.

"Oo, Patrick. Para sa papa mo." Buong loob nyang sabi.

Ngumiti ako ng may lakas ng loob dahil sa wakas, magagawa ko na ang gusto ni Papa. Matagal ko silang tinalikuran na pamilya ko. At ngayong nakikita ko ang resulta ng ginawa ko, panahon na para itama ang mali.

"Maraming salamat, Attorney. Aasahan ko po kayo. Shall we go? Kung wala na po kayong iba pang ididiscuss. Kasi po kanina pang nagmimissed call ang kaibigan ko. Baka kailangan na po ako sa ospital. But if you want, pwede po kayo sumama sa akin para mabisita na rin si Papa." Pag-aaya ko sa kanya. Pero napansin ko sa mukha nya ang pagiging balisa.

"Ayos lang po ba kayo?" Agad kong tanong sa kanya.

"O-oo okay lang ako, Patrick. Maybe next time. May mga dapat pa kasi akong asikasuhin. I'll just ahh.. I'll pray for your father's soon recovery." Tugon nyang hindi makatingin sa mata ko. Nagsisimula na akong magtaka.

"S-sige, sir. Salamat. I should go. Thank you po ulit." Tugon ko din naman. Nang paalis na ako...

"Patrick?" Lumingon ako at nakita ko na nakatayo na sya. "I am just wondering. There's this client of mine told me a secret that he has been keeping all these years. Malapit sya sa pamilya at taong pinagtataguan nya ng sikreto. And now, tumutulong sya sa pamilyang to para gumanti sa isang tao. Yung taong yon ang sikreto sa pamilyang tinutulungan nya." He explained. But yung totoo? Wala akong naintindihan sa istorya nya. I would want him to continue and repeat as long as I understood kaso kanina pang vibrate ng vibrate ang cellphone ko.

"Sir, I am sorry?" I said.

He smiled awkwardly and responsed.

"Never mind, Patrick. Siguro stressed lang ako." I smiled at him

"Sir, if you're going to ask me kung kailangan mo nang sabihin ang sikreto ng kaibigan mo sa pamilyang tinutulungan nya, I think, bilang respeto na din sa kliyente mo, let him be the one to spill it. At kung sino man ang taong dahilan ng sikreto na yan, it will be the best kung sya muna ang unang makakaalam. Then the family, so they would fully understand." Tugon ko sa kanya. "Sige sir, I really have to go." I smiled as I finally walk out.

END OF FLASHBACK

I kinda feel interested in his client's situation. Ano ba yan. Nagiging chismoso ako. Pero sa totoo lang, habang kinukwento nya yon, pakiramdam ko, may kinalaman ako sa sikretong yon. I felt nervous.

Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Sa huling pagkakataon, nagvibrate ang phone ko.

Incoming Call...

ANTON

at nang sasagutin ko na, binaba naman nya agad.

Nagmadali na akong pumunta ng ospital. Baka kung ano nang nangyayari kay Papa. O kaya, baka nandoon na si Rodney. Did he finally showed up?

When I finally reached my location, mabilis na akong naglakad papunta sa room ni Papa. Pagsakay ko ng elevator papunta ng 5th floor, bigla akong nakaramdam ng kaba.

[Feel the scene while playing the song MANANATILI by MARLO MORTEL & JANELLA SALVADOR]

Is it my father? Wag naman sana. Hindi na tumatawag si Anton. Hind ko na sya tinawagan. Papunta na din naman ako don.

Something is bothering in my mind at hindi ko alam kung ano yon. Something is really wrong. Nararamdaman kong pinagpawisan ang batok ko.

At nang makarating na ako sa 5th floor, biglang bumigat ang mga paa at katawan ko. I can feel my hands cold kahit na pinagpapawisan ako. Bakit?

Going to my father's room, isa pang liko to the right. I'm almost there. And when I finally turned right, mas kinabahan ako sa nakita ko.

There are two girls beside Anton. The other one is having conversation with my mom. And she looks familiar. Nakatalikod palang sya pero parang alam ko na. Napalunok ako when I said the name in my mind.

Kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan nya and this time, bibig ko na ang nagbanggit.









"Abigail?...."










I've been preparing for this moment to come. But suddenly, I've felt like hindi ako handa. This is unexpected.

She turned around and boom! She saw me. She looks into my eyes na parang kinakausap nya ito.

Pero ako? Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita ko. Pero sa kabila ng guilt at pagkasurpresa sa muli naming pagkikita, nakaramdam pa rin ako ng tuwa at pagkamiss. Gusto kong hawakan ang kamay nya, yakapin sya ng mahigpit at humingi ng tawad sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Now I know the reason why.









I am still in love with her.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon