¤PATRICK¤
Nagsara na ako ng shop. Sumakay na ako ng kotse.
Nagpatugtog ako ng music para naman makapagrelax na mula sa pagod.
Sa pagod sa trabaho ko sa shop ko. Pagod sa mga nangyayari sa buhay at pamilya ko.
Oo madami akong problema pero hindi lang halata. Pero sa totoo lang, sasabog na ako sa pag-iisip ng mga problema ko.
FLASHBACK
"I'm sorry dad. Hindi ko alam kung bakit kailangan nyong papiliin ako sa dalawang bagay na alam nyong parehas kong gusto!" Tugon ko kay dad.
"Know your priorities! The choice is yours, Patrick. Ang shop mo? O ang business natin! Kapag pinili mo ang shop mo, asahan mo na kahit kailan hinding-hindi ka na makikinabang sa mga pamana ng pamilyang to. At kung may natitira ka pang utang na loob sa akin at pinili mo ang business natin, tulad ng gusto ko, ipasara mo na ang shop mo. At kalimutan mo na ang kabaliwan mo sa baking na yan!" Sigaw ni dad.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa kailangang mamili. Kung kaya ko naman imanage parehas.
"Sa loob ng 15 years, dad, wala akong ginawa kundi sundin ang gusto nyo. I gave all of my patience sa mga pangdodown nyo sa akin noong highschool ako. Konting pagkakamali ko lang, nadidisappoint na agad kayo. Inintindi ko na nag-iisang anak nyo ako kaya ganyan kayo ka strict sa future ko. Pero ang ipahiya nyo ako sa harap ng madaming tao hindi na ko na yata kinaya yon dad. Alang-alang kay mom, nagtiis ako. Hanggang college pati course ko ikaw ang nagdesisyon. I took up Business kahit na Culinary ang gusto ko. And now I'm in my right age... I have to pursue what I want now dad. I don't care if you have to adopt another son para lang may tagapagmana ka but I'm sorry. I'm going to choose my shop. Kaya ko naman sana pagsabayin eh. Wala lang talaga kayong tiwala sa akin kahit I already gave everything for you to see my worth but I think it's not enough. Siguro kailangan ko munang mawala bago nyo makita ang halaga ko dad. So I'm sorry. I rather to choose to live my life than living it for you." Lakas loob ko nang sinabi sa kanya lahat ng hinaing ko. Sa harap ng magaling kong ama at ni mom.
"Wala kang utang na loob!" Sigaw ni dad at don ko na nga natikman ang sapak na galing sa kanya.
"Julio! Tama na! Anak mo yan!" Sigaw ni mommy. Tumakbo sya sa tabi ko at niyakap ako.
"Wala akong anak na bastos! Wala syang utang na loob! Kaya nagkakaganyan ang anak mo e. Kasi kinukunsinti mo. Sige, palayasin mo yang anak mo. Kung yan talaga ang gusto nya. Sana buhayin ka ng shop mo!"