Chapter 4- You'll lost someone, you'll have someone.

149 1 0
                                    

¤ABIGAIL¤

"Let's break up."

At narinig ko na nga ang pinakamasakit na salitang narinig ko galing sa kanya.

"Why?" Matapang kong sabi.

"Di ka pa ba napapagod sa sitwasyon natin?" Tanong nya.

Talaga bang tinatanong nya sa akin yon? Anong rason ko para mahalin sya kung mapapagod rin lang ako.

"Sa pagkakaalam ko kasi, Rodney, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo malalaman ang salitang pagod."-ako

"Oh c'mon, Abi! Say it! Na pagod ka na. Don't be too hard on yourself! Tama na ang pagiging cheesy mo. Ganyan ka na ba talaga ka-desperate sa akin?!!"- sya

Ohh bullshit! Masakit yon ha? Ako pa ang desperada sa kanya. P!@#$/^&@ naman oh?! Gaano ba kahirap intindihin na mahal ko sya at pinahahalagahan at pinapangalagaan ko ang lahat ng meron sa amin ngayon. Nangako sya na ako na ang pakakasalan nya. Nangako sya na ako lang ang mamahalin nya. Pero simula nang itanggi nya ako sa media dahil na-nominate sya sa pagiging bachelor nagbago na lahat. Aaminin ko, masakit. Pero nagpaliwanag naman sya eh. Para daw yon sa future namin at wala daw magbabago sa pagmamahal nya. Pero ano to. Tinanggap ko lahat. Pero ito.... hindi ko matatanggap.

Bumuhos ang luha ko. Pero hindi pa rin ako nagpatalo sa emosyon ko.

"Siguro nga. Desperada ako. Kasi MAHAL LANG NAMAN KITA! At tiniis ko lahat kahit sobrang sakit na. Pinaniwala mo ako sa lahat ng lintik na pangako mo, Rodney! At ano? Pagkatapos ng lahat? Ganito lang ang igaganti mo sa akin? Ganon lang kadali sayo lahat?" Ibinuhos ko na lahat ng emosyon ko pagkatapos non.

"Ok! I'm sorry. Pero we really need to stop this. May magandang oppurtunity na naghihintay sa akin."

Lalong kumunot ang noo ko sa nadinig ko. Tuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

"Nagback out ang tagapagmana ng GranMotors. Kaya naghanap sila ng isa sa mga ourstanding bachelors dito sa Pilipinas. At dahil sa sinuwerte ako na makuha nila dahil sa education background ko at they believed na binata talaga ako. I don't wanna lose their trust." Dagdag pa nya.

Masyado na akong nasasaktan sa mga pinagsasasabi nya. It feels like I am not worth it. Let me rephrase that... I am not really worth it for him. So I rather making everything end.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon