121

228 2 0
                                    

"Dovic, malayo pa ba?" Tanong ko sa katabi ko. Nahirapan kaming mag hanap ng bus dahil uwian na rin ng mga taga-probinsya.

"Vel, kakaalis lang natin." Sagot naman nito. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus at pumikit, trying to calm myself down.

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan iyong natanggap ko. Gusto ko lang makita si Papa. Masigurado kong okay siya.

Baka magpaiwan na rin ako doon. Si Dovic nalang ang papabalikin ko sa bayan.

I looked at Dovic. Inaayos niya iyong dinala niyang pagkain sa amin. Nakakunot pa ang noo ko habang nagaayos.

"Dovic, mag papaiwan ako—"

He cut me off.

"Sasama ako sa 'yo."

"Hindi pwede. Mag aaral ka sa bayan." I said. Hindi pwedeng parehas kaming magpapaiwan! Sayang iyong mga oras na ang aral kami! Lahat masasayang!

"Sasama ako, kahit saan." He said.

"Hindi nga pwede. Bakit ba ang kulit mo?" Mabilis na nag init ang ulo ko. Ngayon pa talaga kami mag aaway? kung kailan nasa ganito kaming sitwasyon?

"Sasama nga ako sa 'yo..." He's more calm this time.

"Mag aaral ka sa bayan." I sternly said. "Kung may problema tayo noon, kalimutan na natin at sorry. Paki sabi na rin kala Eline."

"Bakit ka namamaalam?" Tanong niya.

Kung wala siguro kami dito kanina ko pa siya nabatukan. Mukha pa siyang seryoso habang tinatanong iyon.

"Hindi pa ako mamamatay. Ang sinasabi ko, babalik ka sa bayan para mag-aral tapos ako maiiwan kay Papa—"

"Bakit kailangan pang may maiwan?"

Hindi ako nakasagot kaagad.

"Hindi dapat tayo maging selfish. Alam mong mahal na mahal ko si Papa, Dovic. Lahat gagawin ko para sa papa ko." Iyon ang huling sinabi ko bago nagiwas ng tingin sa kaniya.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan kami lumaki. Mas pinili kong maging tahimik nalang dahil baka iba pa ang masabi ko.

Habang naglalakad kami papasok ng hospital, parang unti-unting nawawala 'yung lakas ko. Nakikita ko palang sa isip ko na nakahiga si Papa sa isang hospital bed nanginginig na ang tuhod ko.

"Vel, tara na." Ani Dovic. Hawak niya na ang doorknob ng kwarto ni Papa. Pansin kong namumula ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Ayos lang naman si Papa, hindi ba?" Tanong ko habang niyuyuko ang ulo.

"Oo naman, Vel! Tara na." Anito bago hatakin ang braso ko. Dahil doon, sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto.

This will end up good.

We're already here.

Makakasama ko na si Papa.

Si Dovic makakabalik na doon sa bayan kapag nailabas na namin si Papa dito. Magiging successful siya. Susuportahan namin siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang walang laman na kama.

Binitawan ko ang kamay ni Dovic bago ginala ang paningin sa buong kwarto.

"Tama ba 'yung pinasukan natin?" Tanong ko kay Dovic na mukhang nalilito na rin ngayon. Maayos ang higaan ng kama at walang ibang gamit kaya sure akong walang naka-room dito.

Tumango siya. "Iyon 'yung nakalagay sa harapan. At iyon rin 'yung sinabi nung nurse."

Nanginginig ang mga labi ko.

Up To Here Where stories live. Discover now