91

56 2 0
                                    

"Papa? bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin na may sakit ka pala?" Bungad ko kay Papa. Nalaman ko sa kapitbahay namin na may sakit pala si Papa, ilang araw na. "Palagi tayong mag kausap, bakit hindi mo sinabi kaagad, Papa?"

"Huwag mo na akong pagalitan, Anak." Natatawang usal ni Papa.

"Oonga, Vel. Bakit mo pinapagalitan si Tito?" Singit naman ni Dovic na nasa tabi ko.

"Ikaw tumigil ka d'yan." I warned him. Binalik ko ang atensyon kay Papa na kausap ko ngayon sa telepono. "Nakainom ka na po ba ng gamot?"

"Oo naman, Anak. Mabait ata ako."

"Seryoso ba 'yan, Pa?"

"Mukha ba akong payaso?"

"Ito si Vel mukhang payaso!" Dovic exclaimed.

Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran at pinanlakihan ng mata. "Tumigil ka d'yan. Sinasabi ko sa 'yo."

"Enyewew." He said before rolling his eyes.

"Bukas mag papadala ako ng pera, Pa. Pakuha mo nalang sa kapitbahay natin kung hindi mo kaya, ha? Sa susunod makakauwi na rin kami..."

"Hindi na kailangan ng pera, Rovelya. Meron pa naman ako dito." I can hear his breath. "At kung hindi kayang umuwi, huwag pilitin..."

"Hintayin mo lang kami, Pa. Uuwi kami d'yan."

Up To Here Where stories live. Discover now