"Ayos kana?" Tanong ko ulit kay Dovic. Kanina ko pa siya tinitignan kasi baka bigla nalang siya sumabog dito dahil naasar siya sa akin.
I'm expecting him to ignore me again. Gaya ng ginawa niya kahapon pero iba ngayon, e. Parang nag ibang tao ang isang ito. Transformer ata.
Nag handa siya ng agahan para sa amin. Paulit-ulit rin siyang nag sorry kasi napagod daw siya at nakatulog kagabi.
Sabi ko ayos lang.
Ako rin kako nakatulog sa pagod kahit ang totoo nakatulog ako sa pag hihintay sa kaniya. Hindi ko na kailangan isumbat iyon kasi in the first place, hindi naman niya sinabi na hintayin ko siya, diba?
Nang makarating kami sa school, sinalubong kami ni Eline na abot hanggang kilay ang ngiti. Nasa tabi naman niya si Kendrick na seryoso lang. Ngumiti lang siya bahagya nang makita kami.
"Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ko sa kaibigan ko dahil nadadalas na ang pag gaganito niya. Iyong parang hyper na hyper ba. Hindi siya sasabog dahil sa galit. Mukhang dahil sa energy, e.
"Ih, kese nemen..."
"Hoy ang harot mo. Ano nga?"
"Kese nemen kese!"
"Please stop, Eline." I heard Kendrick.
"I second the motion." Sabi ko at tumango pa. "So ano nga kasi?"
She rolled her eyes. "Si crush!"
"Oh?" Sabay-sabay kami nila Dovic.
"Nag break na sila nung jowa niya, ibig sabihin may chance na ako!" She yelled before jumping like a kid.
Ako rin naman may crush dati pero nung nalaman ko na nag break sila nung jowa niya hindi naman ako tumalon...
Nilibre ko lang naman si Dovic no'n sa pagkakatanda ko. Tatlong ihaw-ihaw. Mahal na rin iyon 'no!
Ngumiwi nalang ako tsaka binatukan siya.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.