"Ako na mag hahanda ng pagkain." Sabi ko habang kinakatok ang pinto ni Dovic. Hindi niya ako kinakausap simula kanina. Akala ko kakausapin niya na ako pag-uwi pero hindi, nag dire-diretso siya sa kwarto niya pag karating namin.
Kumatok ulit ako.
"Kung natutulog kana. Gising. Bawal matulog pag gutom." Sabi ko pa. "Pumunta ka nalang sa kusina, hintayin kita doon."
Nag hintay pa ako doon ng mga ilang segundo pero mukhang hindi pa s 'ya lalabas kaya dumiretso na ako sa kusina.
Nag luto ako ng sinigang na hipon na alam kong gusto niya. Para hindi na s 'ya mag tampo. Hindi pwedeng hindi kami mag-uusap sa bahay, e kami nalang nga ang mag kasama ngayon.
Nasa isang bahay kami pero parang nasa kabilang planeta siya.
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako doon sa maliit na sofa namin. Hindi na rin ako nakakakain.
Naramdaman ko nalang ang pag baba ng katawan ko sa kama.
"You don't need to wait... Have a good night, Vel. Tomorrow, I'll make up to you, promise." I felt something on my forehead. "I'm sorry..."
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.