"Okay ka lang?" Siniko ni Kendrick ang braso ko kaya muntik nang bumagsak ang ulo ko sa wooden table ng library.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo, walang hiya ka rin!" I hissed. Palagi nalang nila ako pinag t-tripan. Akala nila hindi ko napapansin iyon!? kung hindi si Eline, ako!
"Mana sa 'yo," He mocked me.
"Anong mana ka sa akin!?" Pilit kong hinihinaan ang boses ko dahil baka mapalayas nanaman kami. Wala si Dovic ngayon dahil iba ang schedule niya habang si Eline naman ay nasa laboratory, iba rin ang schedule ngayong araw.
Kendrick just rolled his eyes.
I don't even know how we ended up like this. Ang alam ko lang, super feeling close ni Eline sa akin habang itong si Drick naman ay buntot niya.
At first, ang akala ko talaga sobrang similar lang sila ni Dovic dahil parehas silang maingay pero mali pala ako doon.
May malaki silang pag kakaiba. Kung si Dovic ay handang makipag suntukan. Si Drick naman ay hahamunin ka ng away gamit ang isip mo.
Paano naman ang mga bobong katulad ko?
Akala ko talaga wala siyang pangarap sa buhay at palagi lang nakainarte pero mali pala ako. Hindi pala nawawala ito sa honor roll simula pag kabata. Kendrick Aresmo and his nerdy gestures...
"Okay, let's stop this." He shrugged his shoulders. "What do you want for lunch?" Tanong niya tsaka kinuha ang maliliit na construction paper na nagupit ko kanina.
Napaisip ako.
"Kahit ano basta makakakain!"
"Walang kahit ano,"
"Basta makakakain nga!"
"Walang basta,"
Natigilan kami sa pag aaway nang biglang may lumapit na pamilyar na babae sa amin.
"Hi, Vel..." Saren greeted. "Y-Yung sa pinag usapan sana natin," Nahihiya niyang usal.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.