00

806 11 0
                                    


00


"Wala ka ba talagang nakalimutan?" Kinalabit ako ng aking kaibigan na si Dovic. Tiningnan ko siya ng masama tsaka binatukan.

"Kanina ka pa nag tatanong, alam mo 'yon?" Naiinis kong sabi bago siya inirapan at sumandal sa upuan ng bus. Ngayon ang araw kung kailan kami luluwas dahil malapit na ang pasukan.

Dahil walang school para sa mga kolehiyo dito sa lugar namin, kinailangan naming lisanin ang lugar.

"Nag tatanong lang naman ako. Concern lang."

"Matulog ka nalang rin para manahimik ka na diyan." Sinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. Si Dovic ang kababata ko. Simula nang magkaroon ako ng isip, siya na ang kasama ko. Napagkakamalan pa nga kaming mag kambal dahil sa sobrang dikit sa isat-isa.

Naramdaman ko na natigilan ito.

Hindi ko nalang siya pinansin at mas siniksik ang sarili sa kaniyang balikat.

Ayaw ko mang iwan si Papa, kailangan talaga. Kung gusto kong matupad ang pangarap ko at kahit papaano ay makakita ng pera, kailangan kong umalis.

Mag kasundo sa lahat ng bagay si Papa at Dovic. Minsan nga, iniisip ko kung sino ba talaga ang anak ni Papa sa aming dalawa.

Lumaki kasi sa amin si Dovic dahil bata pa lang siya, nawala na ang Mama niya na kaisa-isang kasama niya. Hindi na rin namin mahanap ang Papa niya. Sumuko na kami sa pag hahanap. Ayos lang naman. Nasa amin naman si Dovic at kahit papaano ay nakakahinga naman ng maluwag.

Hindi nag tagal, ginising niya na ako para kumain daw ng panang halian. Halos sakalin ko na siya dahil maganda na ang tulog ko.

***

"Hindi ko mahanap 'yung susi!" Dovic exclaimed.

Umawang ang labi ko habang pinag mamasdan ang pawisan niyang mukha. Kanina pa kami nakatayo sa harapan ng apartment na tinutuluyan namin. Kakagaling lang naman sa isang university para mag enroll.

"Kanina pa tayo nakatayo dito tapos ngayon mo lang sinabi?!" I clenched my teeth.

He frowned.

"Huwag ka ngang magalit!"

"Eh, dapat kanina mo pa sinabi!"

"Sasapakin mo ako!" He said.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hoy, kailan kita sinaktan, ha? Ikaw, Dovic, sinasabi ko sa'yo!" Nag sisigawan na kaming dalawa.

Hindi na niya ako pinansin at mabilis na kinalikot ang bulsa.

"Bilis na. Baka sabihin ng ibang tao kung anong ginagawa natin!" I hissed. "Kasalanan mo 'to, kung hindi ka nakipag kwentuhan doon sa mga babae kanina. Edi sana na sa'yo pa 'yung mga susi!"

Inabot kami ng dalawang oras sa school dahil sa mga babaeng bigla-bigla nalang sumulpot at kinausap siya. Dahil mabait daw siya, hinayaan niya lang iyon. Tuwang tuwa pa ang loko habang ako ay ngawit na ngawit na kakahintay sa kanila.

Hindi na dapat ako nagulat doon. Noong nasa bayan pa kami, ganiyan na siya. Ewan ko ba kung anong nagugustuhan ng mga tao dito sa lalaking 'to.

"Ito na, wag ka na magalit. " Aniya sabay pakita sa akin ng susi.

"Saan lupalop mo binulsa 'yan?"

"Secret. Baka kung ano pang malaman mo." Ngumisi ito bago lumapit sa pinto at mabilis na binuksan iyon.

Sinipa niya ang pinto ng apartment para mas lumaki ang buka nito. Ginaya niya ang kaniyang kamay na para bang mag gi-give way sa akin.

Talaga namang...

"After you, my lady." He said before smirking at me.

Ngumiwi ako tsaka siya binatukan. Kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ang matigas niyang ulo.

"My lady, my lady ka pang nalalaman." Tumirik ang mga mata ko bago tuluyang pumasok sa apartment na inuupahan namin.

Pinili namin 'yung mas malapit sa school para hindi na namin kailangan pang mamasahe. Mas mahirap kasi 'yung ganoon at aksayado sa pera. Hindi naman kami nandito para mag pariwara.

Binaba ko ang envelope na nag lalaman ng mga documents na kailangan para makapag enroll sa maliit na round table at umupo sa maliit na sofa, kasya ang tatlong tao.

Narinig kong sinara ni Dovic ang pinto.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong nito bago binaba ang kaniyang mga dala sa lamesa na nasa harapan ko.

"Ikaw bahala. Inaantok na ako." Sagot ko naman at humikab. Ilang araw na rin akong walang tulog dahil hindi lang mga papeles ang inasikaso namin, pati itong apartment. Naka ilang apartment ata kami bago nahanap 'to.

"Sige. Anong oras gising mo?" Tanong niya bago hinatak ang braso ko patayo. Dumaing naman ako. "Gisingin mo ako pag nagugutom ka, tapos init ko nalang iluluto ko ngayon para mamaya sabay tayo kumain. Ayos?"

Dahil sa pagod, hindi na ako umangal at tumango nalang sa kaniya. Gusto kong sabihin na mauna na siyang kumain dahil alam kong pagod din siya at hindi pa masyadong nakakapag adjust dito pero dinala na talaga ako ng pagod.



AC

***

Up To Here Where stories live. Discover now