"Hindi ka sumagot sa mga text kahit may load ka naman. Hindi ka sumasagot sa tawag kahit may tainga ka naman-"
"Bakit galit na galit kayo?" Tanong ko sa kanila kasi simula nang makarating ako sa school at makasalubong sila pinapagalitan na nila ako.
Gusto ko silang ayain kumain sa labas, kahit diyan lang sa murang tindahan pero mukhang hindi nila ako titigilan sa mga ganito.
"Saan ka nga galing?" Eline asked. Nakataas ang kilay nito simula kanina habang nasa likod niya naman si Kendrick at Dovic na nag susungit rin sa akin.
Para silang mga warfreak tapos ako iyong nerd. Ganito 'yung nabasa ko sa isang libro na pinahiram sa akin nung isang kaklase ko.
"D 'yan lang." Sagot ko kasi nakakahiya kung sasabihin kong kasama ko si Saren, e mukhang galit si Eline doon. Ayaw ko siyang mag tampo.
Pero ayaw ko rin mag sinungaling sa kaniya kasi kaibigan ko s 'ya...
"Mamatay ka na?" She raised her eyebrow.
"Di ba dapat mamatay ka man 'yon?" I asked myself quietly before facing her again. "Ikaw muna!"
Nanlaki ang mga mata nito.
"Bakit ako?"
"Ewan ko rin?" I'm also confused.
Mag sasalita pa sana ako nang bigla nalang tumawa si Eline. Natigil iyong mga sasabihin ko kasi bigla-bigla siyang tumatawa sa harapan ko.
Lumingon ako sa likod niya kung saan iyong dalawang gago na mukhang hindi rin alam ang nangyayari.
"Hay, I missed you talaga Vel! Nako, ha. Pinag-alala mo kami. Dapat nag papaalam ka." Sa isang iglap, nasa tabi ko na siya at parang pusa na kinikiskis ang mukha niya sa braso ko.
"Tara na nga... libre ko na kayo, kain na tayo, gutom na me." She giggled. Hinatak niya ang braso ko. Ako naman ay nag padala nalang dahil hindi ko parin maintindihan 'yung nangyayari sa kaniya.
Nang makatapat ko na sila Dovic, mabilis kong hinawi iyong kamay ni Eline at pasimple silang binulungan.
"Anong nangyari sa isang iyon?" Tinuro ko si Eline na masayang naglalakad sa unahan namin. Patalon talon pa siya.
"Parang sabog 'no? still not used to it?" Si Kendrick naman kaya mabilis ko siyang siniko kasi baka may makarinig sa amin. Sikat itong si Eline dahil mabait daw... baka masapak bigla itong si Kendrick kasi basher siya.
Ewan ko ba sa mga 'to.
Bumaling naman ako kay Dovic na tahimik na nag lalakad sa gilid ni Kendrick.
Lumipat ako ng pwesto para makatabi siya sa pag lalakad at siniko ang sikmura nito. Hindi ko naman nilakasan kasi napaka sama ko naman no'n pero grabe siya mag react.
"Hindi ko naman nilakasan, ah?"
Bumaba ang tingin niya sa akin bago nag taas ng kilay. I saw his jaw clinched before rolling his eyes like a kid, "Heh!"
Nauna na itong mag lakad. Iniwan ako kay Kendrick na busy na ngayon sa phone.
Gagong 'yon, ah. Attitude!
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.