"Susunduin daw tayo ni Saren." Sabi ko kay Dovic. Nasa tapat kami ng lababo. Ako ang nag huhugas ng kaunting pinggan, habang siya ay nag hihintay para ibalik sa lalagyanan.
Natahimik siya.
Pag si Saren talaga ang pinag uusapan tumatahimik siya. Pansin ko.
"Pumayag ako, sinabi ko na rin 'yung address natin." Dugtong ko. Masaya ako dahil kahit papaano may nakikilala kami dito. Mahirap kasi kung kaming dalawa nalang palagi. Nakakasawa na ang isang 'to.
Nakapag bigay na kami ng down-payment sa Cadro, 'yung school na papasukan namin. Noong mga oras na binibigay na namin 'yung pera, nag dadalawang isip ako kasi ang mahal talaga.
Pero syempre, alam ko namang worth it 'to.
"At tsaka, siguro pwede rin tayong sumabay pauwi... Ay, teka nakakahiya pala." Binanlawan ko na ang huling plato at binigay kay Dovic na tahimik parin sa aking tabi.
Nang mahugasan ko na ang kamay ko. Hinarap ko siya. "Ano bang problema mo? tumatahimik ka pag si Saren pinag u-usapan. Crush mo?"
Mabilis na kumunot ang noo niya, nakatingin sa akin.
Kinuha ko ang tissue sa gilid ng lababo at tinuyo ang kamay.
"Crush mo ata, e! Nako Dovic nga, pumapag-ibig ang gago." I said between my chuckles. "Pero pwede rin, kasi kanina nakatingin sa'yo!"
Nginisihan ko siya.
His lips parted.
"Yiie! Kinikilig ang gago, oh!"
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.