Gustong sumama nila Dovic. Pero alam kong makikichismis lang sila kaya kahit anong pag pupumilit ay hindi ako pumayag.
Tinahak ko ang maling daan just to make sure na hindi nila ako susundan. Gusto ko pa nga sanang pumasok sa cr para sure na talaga.
Malayo palang, nakita ko na si Jeri. Hindi talaga kami masyadong nag u-usap dahil sa library lang kami nag kakakita.
He waved his hand. "Hello!"
Ngumiti ako sa poging ito. "Hello," At first, kinabahan ako dahil hindi ko siya kilala pero kilala niya ako. Weird naman talaga kasi medyo tahimik ako sa ibang tao... sa iba, pero maingay ako. Aminado ako.
"Why?" Tanong ko kaagad. "I don't want to offend you pero bakit gusto mong makipag kita?"
He just smiled.
"I want to be with you. I already said it. I want a friendly date."
"Crush mo ba ako?" I asked. Kilala ko na ang mga ganito. Si Dovic, matagal ko ng kasama 'yon. Syempre nag tatanong ako kung ano ba ang mga ugali nila.
Sabi niya pag inaya ka daw ng isang lalaki na kumain. May gusto daw sa'yo. Sanay siya sa ganoon kasi maharot siyang tunay.
Mas lalo siyang napangiti.
"Seryoso, may gusto ka ba sa akin-"
"Yes,"
"What?"
I didn't see that coming.
"You asked... my answer is yes,"
"Bakit? Hindi naman tayo nag ka-kausap."
"I don't know either," I heard him say. "It's not like I'm going to court you or something... I'm just confessing for now, Vel." Mukha pa siyang nag papanic.
"Hindi naman ako nag a-assume." Iyon ang palaging sinasabi ni Papa. Huwag mag assume pero at the same time, kailangan rin ng closure. Kailangan linawin.
"Hmm, sure." Lumabas ang dimple niya.
"So ano na? Busy rin kasi ako. Tsaka 'yung mga kaibigan ko. May aaralin rin." Pag dadahilan ko pero ang totoo niyan ay napapagod na ako sa pag tayo. Maliit lang ang binti ko. Nakakapagod tumayo. Kanina pa kaya!
"Are you busy? sorry for disturbing you..." He said, apologetic.
Natawa ako. Gusto ko sana siyang hampasin kaso hindi pala kami close. Baka masapak pa ako nito.
"Parang tanga! joke lang!" I laughed. Ang babaw talaga ng kaligayahan ko. Mabilis rin akong mapikon. Ewan ko rin, fuckshit lang.
Mag sasalita pa sana ako nang marinig ko ang bulungan mula sa likuran.
"Tawang tawa pa talaga," I heard a familiar voice.
"Stupid, Ludovic. Your voice!"
"Shut up! both of you!"
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.