14

137 4 0
                                    

"Hindi libre 'yung load, Vel. Dahil diyan ialay mo sa akin ang buhay mo-"

Mabilis ko siyang sinipa sa binti dahil kung ano-ano nanaman ang lumalabas sa bibig niya.

"Vel! masakit!" Daing niya tsaka napayuko sa ilalim ng lamesa just to check his condition.

Sumilip ako sa bukana ng coffee shop at nakitang papasok na ang babae, probably Saren, siya ang nakahanap ng ID ko. Thank God.

Nang makapasok na ito ng tuluyan. Parang nag liwanag ang paligid nang makita ko ng maayos ang itsura niya.

She is wearing a fitted cream dress. Sleeveless ito kaya kitang-kita ang kagandahan ng balat niya.

"Ganda," Bulong ko.

"Mas maganda ako," Bulong naman ni Dovic.

Letse talaga 'tong lalaki na 'to.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sinuklian rin ako ng gago at nag taas pa ang kilay na para bang hinahamon ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito si Dovic. Mukha naman siyang matino. Medyo may itsura naman siya pero pag nakasama mo na talaga... ewan ko ba mas maarte pa sa akin 'to.

Dahil sa titig ko sa aking kaibigan, hindi ko napansin ang paglapit ng magandang dalaga sa pwesto namin. Nagulat nalang ako ng maramdaman ang malambot na palad sa aking balikat.

"Hi! Ikaw si Roveli, am I right?" She sweetly said.

Natigilan ako at napatingala sa kaniya.

Para siyang barbie. Medyo hindi siya singkit, hindi rin malaki ang mata niya, 'yung sakto lang. Lubhang matangkad ito kaysa sa akin. Her body is well shaped also. Habang ako ay parang buto-buto nalang.

"H-Hi..." Nauutal kong bati. Letse naman. Ang ganda naman kasi masyado.

I was expecting Dovic to react pero hindi iyon nangyari. Tahimik lang siya.

"I'm Saren. Hi, Roveli." Bati niya ulit tsaka binigyan ako ng matamis na ngiti bago bumaling sa aking kasama. "Hi there..." She greeted.

Up To Here Where stories live. Discover now