58

65 1 0
                                    

"Dovic!" Sigaw ko mula sa dulo ng hallway nang makita ko siyang nakaupo sa isa sa mga pasimano.

Ginagalaw galaw niya pa ang kaniyang paa sa isang direksyon na parang bata. Ang laki laki niyang tao. Pota.

Mabilis itong lumingon sa amin at binigyan ako ng malawak na ngiti. Halos tumalon ito pababa tsaka tinakbo ang distansya namin.

Nakita ko pa ang pakunwari niyang pag punas ng mata na akala mo ay kakagaling sa pag-iyak.

Daming alam nitong gagong 'to.

"Akala ko hindi mo na ako babalikan rito." Sabi niya ng makalapit na sa amin. Hindi niya ata napansin ang mga kasama ko na nag tatalo parin sa likuran ko.

"Kung iwawala kita, edi sana hindi kana umabot pa dito. Sana dati pa kita niligaw sa plaza." Pinitik ko ang noo niya.

Kailangan ko pang tumingkayad dahil ang laking tao ni Dovic. Kabaliktaran sa personality niya. Daig pa siya ng mga kinder.

"Ang sama naman—" He stopped. Ngayon ay nakatingin na siya sa likuran ko at nakakunot ang noo.

"Oh? bakit?" Bumaling na rin ako sa likod at nag taas ang kilay nang makitang nakatingin ng masama si Kendrick kay Dovic.

Gaya ko, mukha ring walang alam si Eline.

"Ikaw nanaman?" Ani Kendrick.

"Oo, ako nanaman. Ikaw? para kang butete." Sabi naman ng katabi ko. Pinigilan ko ang sarili kong sikuhin ang sikmura niya.

"Ikaw para kang lumot." Kendrick said before arching his brow.

Up To Here Where stories live. Discover now