"Dovic!" Sigaw ko bago lumabas sa kwarto. I'm clenching my jaw for the whole time. Tang ina niya!
"Dovic! Anong ginawa mo sa cellphone ko!" Mangiyakngiyak na tanong ko habang papalapit sa kaniya. Nang tuluyan na akong makapasok sa kusina kung nasaan siya nag luluto, kaagad akong napasabunot sa gulo-gulo kong buhok.
"Bakit ako nanaman?" Tanong niya naman tsaka humarap sa akin. May hawak pa itong mangkok kung saan nakalagay ang itlog na lulutuin niya.
Dahil sa pagod kagabi, hindi ko na nagawang i-check ang cellphone ko. Kanina nang nagising ako, nagulat nalang ako may mga reply na 'yung mga nag chat sa akin!
"Sino pang ibang kakalikot ng cellphone ko, e tayong dalawa lang dito!" Lumapit ako sa kaniya para suntukin siya pero lumayo ito.
"Bakit affected masyado? joke lang naman 'yon." He said befor rolling his eyes, parang big deal sa akin ang hindi naman.
Natigilan ako. I pressed my lips together. Nag pameywang ako sa harapan niya at nag isip ng sasabihin.
Napansin niya na wala na akong masagot kaya ginaya niya ako. Nag pameywang rin ang loko.
"Heh, basta!" Tumalikod na ako.
"Crush mo na ba 'yan? Mas pogi ako d'yan." Pahabol ng gago.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.