88

54 2 0
                                    

"Plano ko sana sa bakasyon uuwi tayo sa atin, Dovic. Kahit ilang linggo lang tapos balik na rin tayo dito para makapag trabaho." Sabi ko. Nasa salas kami ngayon at kasalukuyang nag gagawa ng mga school works.

"Ayaw ko na rin kasi na gumagastos si Papa." I continued. "Kaya ko naman na mag trabaho para sa atin, kaya bakit pa diba?"

Binaba n'ya ang hawak niyang ballpen tsaka tumingin sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Kung ano ang gusto mo." He said. "Pero Vel, huwag kang masyadong mag madali. There's a right time for that. As for now, mag aral muna tayo at huwag isipin 'yung mga ganiyan kasi nakaka stress lang."

"Mukha ba akong stress?"

"Huh?" He looked at me. His brow arched.

"Mukha ba akong stress kaya sinasabi mo 'yan!?"

Nakita ko ang pagawang ng labi niya.

Why? mukha na ba talaga? bakit biglang sumulpot 'yung about sa stress? Mukha na ba akong matanda?

Hindi naman siguro!

Wala naman akong nababalitaan na nag mumukhang matanda. Hindi rin ako masyadong stress ngayong linggo kaya bakit niya napansin 'yon!?

Nakaka offend!

"Huh?" He asked, clueless.

"Anong huh!?" I exclaimed. "Bahala ka nga d' yan! Stress na pala ako? edi wow! Heh, mag s-skin care  na ako!" Tumayo ako mula sa pag kakasalampak sa sahig at mabilis na bumalik sa kwarto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makarating na sa kwarto. "Am I overreacting? hindi naman kaya. Gusto ko lang naman malaman kung stress na ba ako pero hindi siya sumagot. So kasalanan niya parin."

Up To Here Where stories live. Discover now