85

53 2 0
                                    

"Bakit parang blooming ka ngayon?" Tanong ko kay Eline nang makita kong abot tenga ang ngisi niya simula kanina.

Narinig ko ang pag ubo ni Kendrick sa tabi niya.

"Oh bakit?" He mouthed when he saw me looking at him. Mabilis akong napairap.

"Oh bakit rin?" I also mouthed. Binalik ko ang mata kay Eline na hanggang ngayon ay nakangisi parin. Kahit nag hihiwa siya ng hotdog na binili namin, hindi parin naalis ang ngisi niya. "Hoy, anong meron sa 'yo?"

She looked at me, surprised.

"H-Huh?"

"Anong nangyari sa 'yo?"

Kitang kita ko kung paano namula ang mukha niya. "Wala naman kaya! Bakit mo iniisip 'yan?"

"What the fuck?" I heard Kendrick say.

Hindi nag tagal, nakarating na rin si Dovic sa cafeteria kung nasaan kami. Tumabi ito sa aking tabi at mabilis na ngumisi sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Mabilis namang nawala ang ngisi niya at pinaningkitan ako ng mata.

"Nag text ako pero hindi ka nag reply. Akala ko iniwan mo nanaman ako." He said. Nag angat ang sulok ng labi nito. "Mag explain ka, Vel. Ganoon na ba ako ka-walang halaga sainyo para hindi sabihin kung nasaan kayo?"

"What the fuck?" This time, ako naman.

Up To Here Where stories live. Discover now