07

165 5 0
                                    

"Anong sabi ni Tito?" Siniko ako ni Dovic.

Sinamaan ko siya ng tingin bago binalik ang cellphone sa bulsa. "Don't talk to me." Sagot ko dito.

He just laughed. Hinawakan nito ang aking ulo tsaka ginulo ang aking buhok. Dahil mas matangkad siya sa akin, napaka dali lang sa kaniya na gawin 'yon.

"Gago!" Bulyaw ko tsaka nilayo ang ulo sa kaniya.

Umiling nalang ito habang nakatawa parin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at bigla na lang inabot sa akin.

"Oh? ano gagawin ko?" Ibabato ko 'to.

"Wala kang data, diba?" Hindi parin nawawala ang ngisi niya sa labi. Ewan ko ba sa lalaking 'to, palagi nalang nakangisi, parang ewan.

"Paload-an mo ako para meron na."

"Kapal mo naman!" Nilayo niya ang cellphone. "Papahiramin sana kita kaso load-load ka pa diyan.'Wag na nga!"

Nanlaki ang mga mata ko tsaka lumapit sa kaniya at pilit na inabot ang cellphone.

"Akin na! hindi na ako mag papaload!" Sigaw ko sa kaniya. Mabuti nalang hindi pa kami nakakaalis sa apartment kaya hindi nakakahiya ang ginagawa namin.

"Ayaw na, binabawi ko na!" Inangat niya ang cellphone para hindi ko maabot.

Tinalon ko naman 'yon at pilit na hinahablot mula sa kaniya.

"Akin na sabi!" I exclaimed.

"No na nga!" Sigaw niya pabalik.

Nakailang talon pa ako pero hindi ko parin talaga maabot. Nakakabwisit naman 'to! Napipikon na ako!

Tumigil ako sa pagtalon at mabilis siyang siniko sa sikmura. Dahilan kung bakit siya namilipit at tuluyan ko nang naabot ang kaniyang telepono.

Binuksan ko iyon at kaagad na lumayo sa kaniya.

"Salamat!" Sabi ko tsaka dire-diretsong pumunta sa kusina para hindi niya na maagaw ulit.

"Itatapon kita sa kanal!" Narinig ko pang sigaw niya sabay daing.

"Itapon kita sa ilog! Bwisit ka!"

Up To Here Where stories live. Discover now