"Hoy, bakit hindi mo ako pinapansin? bakit parang kasalanan ko?" I heard him say.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pag sagot ng assignment dahil mahaba-haba ito. Kailangan ipasa bukas. Gusto ko sanang gumaya sa mga kaklase ko na nagpapagawa kaso parang ayaw ko rin. Kaya ko naman, e. Edi ako na.
"Vel naman... galit ka parin?" Naramdaman ko ang mukha ni Dovic na nakadukwang sa gilid ko, pinag mamasdan ako.
Fuck ka.
"Hindi ako galit. Sige tulog kana." I coldly said. Kakatawag lang namin kay Papa kaya hindi ko siya maiwasan.
Nakakamiss na talaga si Papa.
Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos doon. Ang palagi niya lang na nik-kwento ay iyong mga alaga niyang baka na maarte daw. Hindi daw kumakain ng damo. Pwede ba 'yon?
"Eh! Hindi pwede! Dito lang ako," Daing ni Dovic na parang bata.
Tahimik akong napamura.
Tang inang 'to. Sige bahala ka dito boplaks ka.
"Sige, dito ka," Sabi ko bago tumayo at nag lakad pabalik sa kwarto. Hinayaan ko na ang mga gamit ko doon dahil baka mahabol pa ako.
Bago ko masarado ang pinto. Biglang may lumitaw na kamay sa gilid noon at mukhang pinipigil. Tulad sa movie, 'yung mga zombie... letseng animal.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang pinag mamasdan ang kamay niyang naipit.
"Sorry na nga kasi..." He said, softly.
"Ayos na nga. Bakit ba ang kulit?" Pero ang totoo niyan ay natatawa na talaga ako dahil uto-uto sila. Kaya ko bang mag tampo sa kanila!? kahit ata ibenta nila 'yung atay ko, hindi ako magagalit ng matagal sa mga 'to!
Pero hindi ko sasabihin sa kanila 'yon. Baka kiligin pa sila. Mga gago.
"Buksan mo na 'to."
"Ayaw ko nga,"
"Akala ko ba bati na tayo?" He asked.
"Bati tayo pero hindi ako uto-uto."
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.