"Dovic, 'yung ID ko?"
Napahinto si Dovic sa pag aayos ng kaniyang mga gamit at hinarap ako. "Anong ID? 'yung identifier?"
Ngumiwi ako.
Ang alam ko nauwi ko 'yon! Hindi pwedeng hindi ko 'yon dala dahil kailangan ang ID sa pupuntahan namin.
"Nawawala ID mo?" Tanong niya at nanlaki ang mga mata.
Mangiyakngiyak akong tumango tsaka nilapag ang dala kong bag at nag simula ulit mag hanap sa loob. Naka ilang hanap na ako dito pero wala parin! Hindi ko talaga matandaan kung saan ko nalagay 'yon!
"Baka naman naiwan sa school?" Anito. Lumapit siya sa akin at nakigulo narin sa bag ko.
"Baka? hindi ko rin alam!" I said in panic.
"Ikaw ang may hawak tapos hindi mo alam? magaling, Roveli." He said sarcastically.
Inayos ko ang tayo ko at hinarap siya.
Nag taas siya ng kilay.
"E, kung tumulong ka nalang kaya, Ludovic?"
"E, kung ayaw ko?" He said, mocking my voice.
"Paepal ka!"
Ilang sandali pa nawala na ang pag taas ng kilay nito at napalitan ng tawa. Namumula ang mag kabilang pisnge nito.
Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang itim at bagsak na buhok tsaka ako hinarap. Hindi mo talaga mapapansin na isang ulila itong isang 'to dahil maganda siyang lalaki. Kahit palagi siyang nabibilad sa araw, mukha parin siyang fresh.
Baka nasa lahi. Edi-wow.
"Ito na. Hahanapin na." He said while grinning.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.