Ayaw kong magalit sa akin si Dovic. Kilala ko iyon, wala sa isip niya ang pag kakaroon ng relasyon kahit medyo malandi siya.
Friend first...
Kahit crush ko si Jeri... mas mauuna iyong mga kaibigan ko kaysa sa kanila.
Mabilis akong lumabas mula sa tricycle na sinasakyan ko, umaasang nasa may bandang gate ang mga kaibigan ko pero wala...
Madilim na ang langit. It's almost 7pm. Nandito pa ba sila?
Nag lakad ako palapit sa guard na nakabantay. Nang tuluyan na akong makarating sa tabi niya, hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilis na nag tanong.
"Kuya may mga tao pa po ba sa loob?" Tanong ko sa guard na nag kakape ngayon.
Umiling siya at binuksan ang flashlight. Napapikit ako ng tinapat niya iyon sa mukha ko. Mabuti nalang mabilis niya rin itong inalis.
Aba naman kuya!
"Pasensya na, hija. Tinignan ko lang ang itsura mo. Baka multo ang kausap ko. Mahirap na." Tumawa ito. "Wala nang mga bata diyan. Maagang pinasara para raw hindi na mas marumihan dahil sa isang bukas na ang event."
I bit my tongue.
"Bakit, Hija?"
"A-Ah... wala po." Baka nainip na sila. Nauna na. Malamok siguro kaya nauna na.
Pero si Dovic... hindi naman nakakauwi mag-isa 'yon kahit ngayon.
Huminga ako ng malalim. "Atleast natuto na siyang umuwi mag-isa."
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.