Nakatutok lang ako sa libro ko simula nang makauwi ako dito sa tinutuluyan namin. Hindi ko na naisip 'yung kasama ko dito dahil mukhang busy naman siya.
Tumayo ako para kumuha ng papel at ballpen. Kasabay noon ang pag tunog ng pinto, may kumakatok.
I simply rolled my eyes from irritation.
Walang gana akong nag lakad palapit doon at pinag buksan siya.
"O, umuwi ka pa--"
He cut me off. "Bakit mo... ako iniwan doon sa school?" Parang nahihirapan pa siyang sabihin iyon.
Hindi ko siya hinarap dahil natuon ang pansin ko sa uniform niya na hindi nakaaayos. Parang kanina lang sobrang ayos nang collar niya. Ako pa ang nag plantsa pero ngayon?
"Eline said you are busy," Iyon ang sinagot ko dahil totoo naman. "Sabi kasama mo daw si Saren kaya hindi na kita inabala pa."
"P-pero..."
"Ano?" I asked before looking at his face.
Kumunot ang noo ko nang makitang may gasgas ang mukha niya. May dugo sa gilid ng labi niya at magulo ang buhok.
"What the hell?" I utter. "Anong nangyari sa'yo, Dovic? Bakit ka may mga sugat? What the fuck?"
Nag simula na akong mag panic nang makitang wala itong balak sumagot.
Ito ba ang dahilan?
Gagong 'to, pati ba naman pakikipag away sa iba dinala niya pa dito?
Wala siyang balak mag salita kaya hinatak ko siya papasok ng kwarto ko. Pinaupo ko ito sa kama at mabilis na pumunta ng cabinet kung saan nakalagay ang first aid kit na si Papa pa mismo ang bumili dahil baka mabugbog ko daw si Dovic.
Binaba ko ang first aid kit sa baba at lumuhod sa harapan niya. Ngayon ay nakaupo na ito sa kama habang ako ay nakaupo sa sahig at hinarap siya.
"Hindi ka mag sasalita? anong nangyari sa'yo?" Nag simula na akong mag lagay ng alcohol sa bulak.
Umiling lang ito.
"I'm asking you... why did you left me there? dapat sabay tayo umuuwi. Hindi mo ako hinintay."
"Bakit ba 'yan pa ang iniisip mo? gago ka." Sagot ko naman tsaka dinikit ang bulak sa ibaba ng labi niya.
Napaaray ito at mukhang pinipigilan nalang ang sarili na itulak ako palayo.
"Nakipag away ka tapos sa alcohol takot ka? Ibuhos ko kaya sa'yo 'to?" I hissed.
Umirap ako at kumuha ng bandaid nang matapos kong linisin ang sugat niya sa ibabang labi at mga gasgas sa mukha.
"Sino ba kasi 'yang mga naka-away mo?" Tanong ko pa. "Dovic, alam mo namang hindi tayo taga rito. Paano kung napuruhan ka ng mga 'yon?"
Habang nag sasalita ako, ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Dahil ba 'yan kay Saren? ang sabi ni Eline siya ang huling kasama mo--"
He cut me off.
Thank God nag salita na s'ya.
"Bakit naman ako makikipag basagan ng mukha para doon?" Masungit na tanong niya.
"Yung bibig mo, a." Banta ko. "Saan ba? Ayaw mo namang mag salita. Ewan ko sa'yo."
Tumayo na ako at akmang tatalikuran siya nang maramdaman ko ang malamig niyang palad sa braso ko, pinipigilan akong umalis.
"Kasi naman..." He utter before gulping. "Yung mga gago kasi..."
"Para kang babae, sinong mga gago 'yan?" Tanong ko.
"Ewan ko ba, basta gago sila. Pinag u-usapan ka ng masama... syempre nakakapikon 'yon kasi kaibigan kita..."
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.