94

55 1 0
                                    

Paano ako aalis? Nakakahiya kung tatayo nalang ako bigla at mag wa-walk out. Kainis naman.

"So, it's all settled na talaga." Saren giggled.

Nasa restaurant kami. Nagulat ako kanina dahil naka abang sila sa labas ng room namin. Hindi ko natext kaagad sila Dovic kasi hindi ko nacharge 'yung cellphone ko kagabi.

Nakakaasar, ah. Napaka tanga ko na.

"Oo..." I said, pero deep inside kinakabahan talaga ako sa magiging reaksyon ni Dovic. Hindi ko pa talaga siya nakikitang may ibang kasama maliban sa aming dalawa ni Eline.

Baka magalit 'yun...

"See, Jeri! I told you she's cute, tama ako diba?" Saren said. Nakatingin siya ngayon sa kaniyang katabi.

"Yes, she's cute." I heard him say.

My heart is pounding fast. Inabot ko ang tubig at mabilis na ininom iyon.

Narinig ko ang pag tawa ni Saren at Jeri.

Hindi nag tagal, nag paalam na si Saren dahil uuwi na raw siya. May kailangan pa siyang sunduin.

Mabuti naman.

Tumayo na ako at dinala ang bag ko. Susunod na sana ako kay Saren ngunit natigilan ako ng biglang may mag salita.

"Ako na ang mag hahatid sa 'yo." Ani Jeri na nakatayo sa harapan ko.

I chuckled.

"Wag na. Dadaan pa akong school kasi susunduin ko pa doon si Dovic." Hindi kasi nakakauwi mag-isa 'yon kaya dapat talaga sabay kami palagi.

"Boyfriend mo ba?" He asked.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi. Bakit mo natanong?"

Nakita ko ang pag taas ng gilid ng labi niya dahil sa sinabi ko. Ilang sandali pa, muli ako nitong pinilit na ihahatid niya daw ako.

"Sorry talaga. Next time." Sabi ko habang pasakay sa isang tricycle. "Bye!" I bid goodbye.

Hindi ko pwedeng pabayaan si Dovic. Uunahin ko pa ang kaharutan ko kaysa doon? Baka mabatukan pa ako ni Papa!

Up To Here Where stories live. Discover now