Binagsak ko ang aking katawan sa sofa. Grabe ang pagod ko ngayong araw. Sumasakit na ang ulo ko. Hindi pa kami nag tatagal dito pero feeling ko ilang taon na ang lumipas simula ng umalis kami sa bayan namin.
"Bakit mo pa pinagalitan si Tito?" Tumabi sa akin si Dovic at inabutan ako ng tubig.
Kinuha ko iyon at ininom.
Nang matapos na. Nag salita ako. "Dovic, alam mo naman na hindi tayo mayaman." Sabi ko dito. Nalaman ko na pinadalhan pala kami ng pera ni Papa dito. Kahit na malaki ang matutulong sa amin 'non, iniisip ko kung paano naman siya doon.
Mas mahirap 'yung buhay doon kasi wala siyang kasama. Habang dito, dalawa kami ni Dovic. Eh kung mapahamak siya doon?
"Wag kana kasing magalit..." Pag alo sa akin ni Dovic sabay gulo sa buhok ko.
Tinapik ko ang palad niya. "Nako! Naiinis talaga ako, Dovic! Ibabalik natin kay Papa 'yang pera, ah!" Kahit na ayaw ko, kinuha parin namin 'yung pera na pinadala. Napilit ako.
Pag nakahanap na kami ng trabaho bukas. Dadaan ako sa pera padalahan para maibalik 'to.
"Magtatampo si Papa pag binalik 'yon." Aniya.
"Gusto mo ako ang mag tampo sa inyong dalawa?" Nag taas ang boses ko. "Palagi niyo ako pinag tutulungan. Akala niyo hindi ko pansin? Eh kung may mangyari? at isa pa, manok 'yon! mahal ni Papa 'yung manok-"
Nanlaki ang mga mata ko ng hindi niya ako pinatapos sa sasabihin. Mabilis niyang tinakpan gamit ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay.
He whistle softly, "Shh, pagod lang 'yan. Kain na tayo ng dinner tapos matulog na..." he said, calming me down.
Mabilis akong kumawala sa kaniya at hinubad ang aking sapatos.
Nanlaki ang mata nito at akmang tatayo ng bigla ko siyang dambahin. Sinakal ko siya gamit ang braso tsaka pinaamoy ang aking sapatos.
"Shit ka, Ludovic! Shit ka!" I yelled, still holding my shoes at pinapaamoy sa kaniya.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.