"So, nasabi mo na ba kay Dovic?" Si Saren. Nasa coffee shop nanaman kami ngayon. Naguguilty ako kasi... kasi hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko na may ganito...
"Sure na ba?" Tanong ko sa kaniya. Mabuti nalang wala si Jeri ngayon dito. Kaming dalawa lang.
"Oo naman!" She giggled. Napansin niya na hindi ako kumikibo kaya mas naging interesado siya sa akin. "Bakit? ikaw ayaw mo?"
"Hindi ko alam." Sabi ko kaagad. Walang patutunguhan 'to kung mag sisinungaling ako. "Hindi ko pa nasasabi kina Dovic."
Nanlaki ang mga mata niya at kumunot ang noo. "Hala! Sa susunod na araw na iyon... bakit hindi mo pa sinasabi?" She look so alarmed.
"I don't know either." Sabi ko.
"Sabihin mo na please!" She pleaded.
Ayaw ko.
Parang binebenta ko si Dovic. Ganito rin naman ako dati pero parang iba kasi ngayon. Parang seryoso na. Ang tanda na namin para sa ganito.
Tumayo ako mula sa pag kakaupo at binigyan ng maliit na ngiti si Saren na pinapanood ang bawat galaw ko.
"Sorry, Saren."
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.