"Kain na tayo?" Katok ni Dovic sa pinto mula sa labas ng kwarto.
Mabilis kong binaba ang ballpen na pinaglalaruan ko sa aking mga daliri at nag lakad papalapit sa pinto.
Binuksan ko iyon at mabilis na lumabas. Wearing my usual pajamas, tumingin ako sa kaniya.
"Tapos kana ba sa assignment?" I asked. Knowing him. Simula dati kasama ko na siya. Halos lahat alam ko na sa kaniya. Hindi siya gumagawa ng mga assignment dahil kaya naman daw bawiin iyon sa finals.
But in this state? hindi na pwede 'yon.
Umiling siya.
"Anong balak mo?" Nag simula na akong maglakad papuntang hapag, nakasunod siya sa akin.
"Gagawa naman ako..." He carefully said. Choosing the best answer for my question.
"Kailan naman?"
"Hindi ko alam... pero gagawin ko siya." Sagot niya tsaka hinatak ang upuan para doon ako umupo. Natawa ito. "Grabe, nakakatakot ka talaga."
Hindi kaagad ako umupo, bagkus, naglakad ako palapit sa tauban ng mga plato at kumuha ng dalawa para sa amin. "Talagang matakot ka, Ludovic."
"Ako na——"
"Ako na nga, oh." Pigil ko sa sasabihin niya. Hindi ko alam dito sa taong 'to.
Hindi na siya nakipag talo at tumawa nalang. Umupo siya sa harapan ko at nag simulang mag salin ng tubig.
Dapat talaga masanay na ako na kaming dalawa nalang. Ilang taon rin kami dito. Dati kasi tatlo kami, kasama si Papa. Kahit naman palagi nila akong inaasar napaka-halaga nila sa akin.
"Mag pray na tayo." Panimula niya tsaka yumuko. Natapos na kaming kumain na tahimik lang dahil siguro napagod rin siya. Unang araw palang 'to, ah.
Pero knowing him? hindi siya basta-basta sumusuko. Mas malaki 'yung pangarap niya kaysa sa akin. Support kami doon kasi iyon ang gusto niya.
Sino pa ba ang mag tutulungan dito?
Bago kami bumalik sa kwarto, tumawag muna kami kay Papa para kamustahin. Kung pwede lang talaga na hindi na kami lumipat. Kung pwede lang na isama namin siya dito.
Ayaw niya, eh. Napaka halaga rin kasi sa kaniya nung iniwan ni Mama sa amin. 'Yung farm. Iyon lang daw ang naiwan sa kaniya maliban sa amin na anak niya kaya papahalagahan niya raw.
"Inaantok na ba kayo? matulog na... pagod kayo," Sabi ni Papa sa kabilang linya. Malaki at malat ang boses nito. Gaya ng dati.
"Baka naman kung ano-ano ang nattripan mong gawin diyan, Pa! Nako, ha. Pag ikaw nag i-inom nanaman." I spat. "Alam mo namang masama 'yon sa kalusugan mo."
Nakita ko ang pag iling ni Dovic pero hindi ko siya pinansin.
"Opo, Mare." Maligayang wika ni Papa.
"Seryoso ako, Pa."
"Opo, hindi na po, Ma'am."
"Pa..." Pagbabanta ko.
"Hindi nga, tanong mo pa sa iba, promise, cross my puso." He laughed.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.