02

327 7 1
                                    

Pinusod ko ang buhok ko tsaka sinipat ang orasan. Ang sabi ko iglip lang ang gagawin ko pero bakit naman ganoon? alas tres na pala.

Lumabas na ako ng kwarto at tinawid ang distansya ng kwarto ni Dovic. Nag inat-inat pa ako sa harapan noon at bumwelo para kumatok.

Hindi pa nakakadikit ang kamao ko nang matigilan ako.

For sure magagambala ko ang tulog ng isang 'to. Pagod rin naman siya.

Natagpuan ko ang sarili kong nasa harapan ng microwave at iniit ang niluto niyang ulam.

Nang mainit ko na iyon, hinanda ko na rin ang mga plato bago siya pinuntahan sa kwarto niya.

Nakakaisang katok pa lang ako nang bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang sabog niyang pag mumukha na para bang hindi natulog.

"Kain na tayo?" Tanong niya sabay kusot ng mata.

"Natulog ka ba?"

Napangisi siya bago tumango. "Oo naman, ano ako? aswang?"

"Mukha kang mag co-collapse." Sabi ko.

"Sasapuhin mo naman siguro ako?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

I rolled my eyes.

Tumalikod na ako dito. "Kumain na tayo. Bwisit ka." Sabi ko bago nag lakad paalis. Sumunod naman siya sa akin.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ng kusina nang marinig ko siyang mag salita.

"Ikaw na nag init? Sana ginising mo ako ng maaga para ako na." Aniya.

Hindi nalang ako nag salita at dire-diretso lang nag lakad palapit sa lamesa kung saan nakahanda na ang mga pagkain.

Umupo na siya sa tapat ko at nag angat ng tingin.

"Oh?" Itong lalaki talaga na 'to.

"Sana ginising mo ako." Sabi niya.

Ngumiwi ako habang siya ay ngumisi. "Tigilan mo nga ako. Kumain na tayo."

Bumungisngis lang ito bago inabot ang tubig. Nilagyan nito ang dalawang baso tsaka nilapit sa akin.

"Habang tumatagal mas lalo kang pumapangit." He whispered. "Okay, let's pray before-"

"Anong sabi mo?" Nag salubong ang kilay ko.

"Ang alin? Mag pray na tayo?" He asked, innocently.

"Pumapangit na ako, Ludovic?" Nag taas ang boses ko. Kahit kailan talaga siya. Hindi na natapos ang buong araw na hindi ako mapipikon sa isang 'to.

"May sinasabi ako?" Napahawak siya sa kaniyang bibig at para bang gulat na gulat.

"Ewan ko sa' yo."

Tiwanan lang ako nito.

Up To Here Where stories live. Discover now