104

52 1 0
                                    

"Ipapasa mo na ba iyong sa 'yo? pwede papasa rin ng sa akin?" Tanong ko sa kaklase ko. Kailangan palang ibigay kay Sir iyong ginawa naming reviewer para mabigyan ng grade. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko kasi kanina pa tumatawag sa akin si Saren.

Hindi ko pwedeng hindi ipasa ito kasi dito rin kukuha si Sir ng iba pang grades para sa subject niya. Nag puyat ako para dito!

Ngumiti si Yunna sa akin at tumango.

Gumawad rin ako ng ngiti bago siya pinanood lumabas ng room. I breathed a sigh of relief.

Lalabas na rin sana ako ng room nang makita ko ang ilang papel na nasa desk malapit sa akin.

"Huh? iniwan?" Ginala ko ang aking mata sa room. Walang tao. Baka naiwan nga. Binasa ko ang pangalan ng may ari nito. Arrian Sedos ang nakasulat.

I pressed my lips together before taking the papers. Baka mahabol ko pa si Yuna. Masabay na rin ito.

Halos tumakbo na ako hanggang sa makalabas ng room. Lumingon ako sa paligid, finding Yuna's presence but there's none.

"Wala akong choice." Bulong ko bago tumakbo bitbit ang papel at bag ko. Dahil nasa fourth floor ako ngayon at nasa kabilang building pa ang faculty room, talagang hihingalin at matatagalan ako.

I can feel my phone vibrating.

I signed.

Dahil kami lang ang naka schedule ngayong araw, halos walang tao sa buong floor. Hindi ko napansin na nag sialisan na pala talaga sila. Inayos ko pa kasi iyong mga upuan.

Letse naman.

Lalagpasan ko na sana ang nakabukas na room sa pinaka dulong bahagi ng floor nang biglang may humatak sa akin.

Hindi ko mapigilang mapatali nang makitang may malaking palad ang nakahawak sa braso ko.

"Tang ina ka, sino ka?!" Sigaw ko nang makitang pabalik kami sa room kanina!

Nag angat ako ng tingin sa lalaki. Napansin ko na naka uniform siya ng school. He's also a student here but what the hell is he doing!?

"Bitaw, gago!" Pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Sisigaw pa sana ako nang bigla ako nitong hinarap.

I know this guy...

Ito iyong sinasabi ni Kendrick na tahimik raw...

"Ano satingin mo ang ginagawa mo, ha!"

Umawang ang labi ko nang bigla niyang hablutin iyong papel na nasa kamay ko. I was about to protest when he cut me off.

"I will take this." He said before walking out.

Up To Here Where stories live. Discover now