23

107 3 0
                                    

"Ano bang kinakalikot mo d'yan?" Tanong ko kay Dovic ng makita kong kinuha niya ang aking cellphone na nakalapag sa lamesa.

Nag-angat siya ng tingin at ngumisi. Pinag laruan niya ang aking manipis na cellphone sa kaniyang palad.

Pag iyan bumagsak! Napaka yabang nito akala mo may pera kami pag nabasag 'yon!

"Exchange cellphone, Vel. Hindi mo alam?" Tanong niya na para bang tuwang-tuwa sa akin.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko bago hinarap ang cellphone niya na nasa akin naman. Tatawagan namin ngayong gabi si Papa para kamustahin. Nakakamiss siya. Kahit palagi niya ako inaaway. Sobra.

Nakailang ring bago ito sumagot.

I pushed the speaker button para kay Dovic. Para marinig niya rin.

"Pa-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumungad ang reklamo ni Papa.

"Jusko pong cellphone ito! Hindi ko alam kung anong kakalikutin! Bakit ba nauso 'to, ang daming pindutin!" Buong-buo ang boses niya.

Napasimangot ako.

"Nakalimutan mo 'yung answer button 'no?" Pinigilan ko ang sarili kong matawa.

Umalis sa may bandang lababo si Dovic kung saan siya nakatayo kanina at lumapit sa akin. Nakita kong binulsa niya ang aking cellphone pero hinayaan ko nalang.

"Abat hindi ko na kasalanan na nakakalito ito, Rovelya!" Giit ni Papa.

"Papa!" Bati naman ng aking katabi.

Bago ako mag reklamo dahil sa boses niya, nahablot niya na ang cellphone sa akin.

"Nagulat ako sa'yong bata ka!" Ani Papa.

"Nagulat rin ako, Pa! Feeling ko mas lalo ka atang pumo-pogi ngayon?" Pabirong usal ni Dovic kay Papa. Akala niya ata mauuto niya. Nakangisi pa siya.

"Huwag mo akong gamitan ng ganiyang salita mo, Ludovico at baka ma-tsinelas kita!"

Up To Here Where stories live. Discover now