"Anong sabi ni Tito?" Lumapit sa akin si Eline at inagaw ang cellphone ko. "May load ka? tawagan natin."
Umiling ako. Kakaubos lang kahapon. Nag install kasi ako ng mga app para mas makita ko ng maayos iyong mga sinesend nila Prof na kailangan basahin.
Binalik ni Eline ang cellphone ko at mabilis na tinawag sila Kendrick na nasa kabilang table.
Hindi sila tumabi sa amin kasi kanina nagagalit si Eline sa kanila. Tukso kasi ng tukso, may napikon tuloy.
Buti nga!
"May load ka ba?" Eline asked. Nakataas ang kilay nito.
Mabilis na tumango si Kendrick at inabot ang cellphone niya.
Natawa ako.
Letse ka, ah.
"May load 'to, ah? siguraduhin lang..." Pilyong ngumiti si Eline bago inayos ang upo at inabot sa akin ang cellphone.
I typed Papa's number.
Naka ilang ring lang iyon, mabilis rin sinagot ni Papa. Mag sasalita sana ako nang biglang agawin sa akin ni Eline ang telepono.
"Kung hindi ka ba naman isa't kalahating demonyo." Sabi ko nang makitang nag simula na siyang makipag usap sa Papa ko.
"Hi Tito! Nako! Itong si Vel, opo. Sobrang ingay at kulit niya talaga, nako Tito anong gagawin natin sa isang ito?" She said while giggling.
"Gago ka!" I said, almost a whisper. Binigyan ko siya ng masamang tingin pero hindi niya ako pinansin at pinag patuloy sa pag b-brain wash kay Papa.
Ilang sandali pa, nakita kong inaabot niya na ang cellphone kay Kendrick na parang aso naman na taga sunod nitong si Eline.
Minsan talaga hindi ko sila magets.
"Hindi mo manlang binigay sa akin! Ikaw ang anak?" Inirapan ko siya.
"Bakit? wala kang load diba?"
"Bakit nadamay ang load ko!?"
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.