"Kinakabahan ako ng sobra." Sabi ko habang sinusuot ang sapatos. Hindi ako kinakabahan dahil college na kami. Kinakabahan ako kung sino ang makakasalamuha ko.
"Kinakabahan ka pala?" Ani Dovic na katulad ko ay nag-susuot na rin ng sapatos.
"Anong satingin mo sa akin, walang pakiramdam?" I hissed. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Bwisit na lalaki 'to.
"Uy, grabe s'ya! Hindi naman!" Umiling-iling pa ito.
I pursed my lips.
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko bago tumayo at pinagpagan ang damit. Ngayon ang unang araw namin sa Cadro, school na papasukan namin. Kinakabahan talaga ako pero dahil sa ungas na'to, hindi ko na masabi ng bulgaran. Kainis. Palaging nakakontra, e.
Hindi nag-tagal, dumating na si Saren. Sa totoo lang nahihiya rin ako sa kaniya kasi mukhang malayo ang byahe niya papunta dito.
Gaya ng inaasahan, si Dovic ang una niyang tinanong noong pinag buksan ko siya ng pinto.
Hindi ako tanga para hindi mapansin na may gusto siya sa kaibigan ko...
well then, good for them.
I will support my friend.
Kung saan siya masaya doon din ako. Pero hindi ibig sabihin 'non kukunsintihin ko na sila pag may ginawa silang mali.
That's the least I can do.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.