38

78 3 0
                                    

Natigilan ako sa pag a-ayos ng kama nang marinig ko ang munting katok sa pinto. Halos hindi ko na madilat ang mata ko dahil sa antok.

Dahan-dahan akong nag lakad papunta doon habang kinukusot ang aking mata.

Mabilis kong binuksan ang pinto at gaya ng inaasahan ko, si Dovic ang bumungad sa akin.

"O, bakit gising ka pa?" Tanong niya tsaka sinipat ang itsura ko.

"Animal ka ba?" Tanong ko naman sa kaniya.

He smirked.

"Anong kailangan mo?" Nag salubong na ang kilay ko. Hindi naman kasi kumakatok ang isang 'to pag walang kailangan.

Peste, inaantok na ako.

"Wala. Ni-check ko lang kung tulog kana. Masama?" Nag taas ang kilay niya, pinipigilan ang pag-tawa.

"Sinabi ko bang masama? bwisit 'to."

"Gutom ka?"

"Hindi. Bakit?"

"Bibili ako sa kanto ng tinapay. May ipapabili ka?" Aniya.

Up To Here Where stories live. Discover now