60

70 1 0
                                    

Kinurot ko ang tagiliran ni Dovic nang makita kong tinatapunan niya ng masamang tingin si Kendrick.

"Aray ko naman," He said, caressing his shoulder.

"Mas masakit pa aabutin mo d'yan kapag hindi ka pa tumigil. Kanina ka pa." I warned. Kanina halos mag kalmutan na sila ni Kendrick. Kung hindi siguro dumaan ang ilang professor, hindi sila matitigil sa pag tatalo.

"E, siya kasi! Ang yabang ng mga tropa niya!" Pag susumbong nito sa akin.

Kanina pala ay muntik na mag-away ang buong section nila Dovic pati narin ang tropa ni Kendrick. Ewan ko ba sa dalawang 'to.

Nang makarating kami sa gate. Kaagad na nag paalam si Eline. Kinurot niya pa si Kendrick at mukhang pikon na pikon na siya.

"Mauuna na kami, ah! Sabay naman kayo ni Dovic, diba?" Tanong niya. "May masasakyan naman kayo? pwede naman namin kayong ihatid..."

Umiling ako. "Gaga, hindi na. Ayos lang. May sasakyan naman kami." I said, though I'm not sure kung meron ba talaga dahil hinatid kami kanina ni Saren. Siguro naman meron.

"Ano bang problema niyo kasi?" Tanong ni Eline sa dalawang ungas na kasama namin.

"He's the problem! Mayabang siya. So mayabang." Maarteng usal ni Kendrick sabay irap..

"Ikaw rin ang problema ko." Napairap si Dovic. "Matapang ka lang naman dahil may mga tropa ka."

"What!?"

Bago pa sila mag-away. Inabot ko na ang tainga ni Dovic at kinaladlad pauwi.

Up To Here Where stories live. Discover now