10

149 5 0
                                    

Bubuksan ko pa sana ang ibang message ng bigla na lang nawala ang cellphone sa palad ko.

Hinarap ko si Dovic na nakangisi lang sa akin. Hawak hawak na niya iyon. Ang bilis ng kamay, punyeta.

"Baka nag babasa ka ng mga message ko dito." Anito. Binuksan niya ang kaniyang telepono tsaka nag simulang mag scroll.

"Hoy, hindi ko pa nalolog-out 'yung account ko d'yan, aba." Angal ko. Humakbang ako palapit sa kaniya.

"Ito na nga, ako na mag aalis." Siya naman tsaka nag bigay ng distansya sa aming dalawa.

Umirap naman ako.

"May nag chat sa akin, nasa kaniya daw yung ID ko." Sabi ko bago siya lagpasan. Nag lakad ako papuntang salas. "Mabuti nalang talaga nakuha ko 'yang cellphone mo! Kinabahan ako doon!"

"Oo nga parang iiyak kana, e." Sagot niya. Sumunod ito sa akin palabas.

"Iyak mo mukha mo. Kailan ako umiyak?" Hinarap ko siya tsaka nag pameywang. "Ikaw nga ang iyakan sa ating dalawa."

"Bakit ako?" Ngumiwi ito.

"Totoo naman!" Dati naagawan ko lang siya ng pogs iyak na ng iyak. Napagalitan pa tuloy ako ni Papa noon. Noong high school naman kami palagi nalang akong natatapakan sa paa. Edi tinapon ko sapatos niya. Iyon, iyak ulit.

"I'm not a crybaby, Vel!" Nag salubong na ang kaniyang makapal na kilay.

"Bakit nag eenglish ka!?" I hissed. Pag pikon, pikon lang, walang english-an. Papansin ay.

Up To Here Where stories live. Discover now