Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya. Para kasi siyang angel, bihira lang makakita ng ganito. Sa susunod na makakakita ako ng angel, baka sa langit na. Hindi parin ako sure kung sa langit ba ang punta ko.
Ngumiti si Saren sa akin dahilan para matigil ako sa pagtitig sa kaniyang mukha.
Tumawa siya. Inabot niya ang kaniyang black coffee at tumikhim.
"Mabuti nalang talaga nabalik ko na sa'yo 'yan, Vel." She said. Ang ganda ng boses niya. "Mukhang may pupuntahan kayo..." Pinasadahan niya ng tingin ang aking kasama na nasa tabi ko na ngayon.
Lumipat ng upuan si Dovic kaya nasa tabi ko na siya, habang si Saren naman ay nasa harapan namin.
Ngumiti si Saren. Namumula na ang pisnge niya.
Bumaling ako sa tabi ko na tahimik parin. Hindi siya nag sasalita simula kanina. Kakaiba rin ang isang 'to. Pag ako ang kasama daig mo pa ang may alagang biik.
"Huy, kanina ka pa ina-approach." Siko ko kay Dovic.
"Huh?"
"Kanina pa nakatingin sa' yo, naka ngiti. Batiin mo naman." Bulong ko dito. Hindi talaga ako sanay na ganito katahimik si Dovic. Ganito lang siya kapag kinakabahan... o natatae, ewan ko ba.
"Why?" Pag e-english niya.
"Don't why-why me!" I hissed.
Natigilan kaming dalawa ng biglang tumayo si Saren.
Nag angat kami ng tingin sa kaniya, gulat parin.
"I will go na..." She said. "See you next week, sa pasukan." Pag papatuloy nito bago yumuko sa harapan namin bilang pag paalam.
Umayos na siya ng tayo kalaunan.
"Chat ko nalang kayo, ah. I'm quite happy na may friends na ako. Hindi ko expect." She shrugged her shoulder.
"Nako! Salamat rin-"
She cut me off. "Nice meeting you." Bati niya pero alam ko kung sino talaga ang tinutukoy niya.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.