31

91 3 0
                                    

"Anong kulay ng ballpen na binili mo?" Biglang sulpot ni Dovic sa tabi ko. Nasa national book store kami ngayon at bumibili ng gamit. Dahil nasa ibang section ang pang-boys, nag hiwalay kami ng daan.

"Bakit? gaya-gaya ka." Sabi ko sakaniya tsaka nilagay sa likod ang tatlong ballpen na binili ko. Dalawang black at isang red lang iyon. Masyado kasing mahal. Nag iipon kasi ako.

"Hindi ako gaya-gaya. Tatanong lang naman." Umismid siya tsaka binalingan ng tingin ang mga ballpen na naka-display sa harapan namin.

Ang pinaka mababang presyo 'non ay halagang 60 pesos. Sa totoo lang nanghihinayang ako kasi sobrang mahal, mauubos naman.

"Bili ka pa." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Bili ka pa ng mga ballpen mo." Sabi niya.

Pinanood ko ang galaw niya. Binaba niya ang isang pirasong black ballpen sa mga naka display tsaka hinarap ako ng may ngiti sa labi.

"Bilis na, pili kana." Sabi niya pero hindi parin ako nakasagot. Ano bang ginagawa niya? "Doon nalang ako bibili sa ibang tindahan ng ballpen. Mahal pala talaga dito?"

"Hindi kita maintindihan."

Ngumisi lang siya. "Sabi ko-"

Hindi ko na siya pinatapos. Binalik ko na rin ang mga hawak kong ballpen. Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin.

"Tara na. Mag bayad na tayo." Sabi ko nang maayos ang tayo. "Mahal talaga dito. Kaya doon nalang tayo sa iba bibili ng ballpen kasi mauubos rin naman."

Nginitian ko siya tsaka hinawakan ang kaniyang siko para hatakin paalis.

Hindi parin siya natinag.

"Hoy," Tawag ko sa kaniya at hinatak pa lalo.

Pero hindi parin siya nag salita at nakatingin lang sa akin.

Napairap ako at mabilis siyang pinitik sa noo. Gutom na ako, siya rin panigurado. Nakakalungkot lang kasi wala parin kaming nahahanap na papasukan.

Sana sa susunod meron na. Gusto ko na rin talaga makaipon para sa aming tatlo.

Up To Here Where stories live. Discover now