"Papa? sorry po, kumakain ka ba?" Bungad ko nang sagutin ni Papa ang tawag. Nandito na ako ngayon sa harapan ng apartment pero hindi kaagad ako pumasok.
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pag ubo nito.
"Papa, umiinom ka ba ng gamot? gusto mo tumawag ako sa kapitbahay para masamahan ka muna d 'yan?" Tanong ko kay Papa. Alam kong sanay si Papa mag-isa sa isang bahay pero hindi parin ako pwedeng mapanatag.
He laughed.
"Pa naman! seryoso na!"
"Ayos lang ako, Rovelya."
"Sure? matatapos na rin 'to, Pa. Pag natapos na ata iyong party kuno, may bakasyon. Uuwi na ulit kami!" I said happily.
Tumawa lang ulit ito.
"Gusto mo ba mag swimming tayo? matagal na rin tayong hindi nakakapag swimming kasi sakitin itong si Dovic!" I laughed. Hindi sanay si Dovic sa malalamig, iyan ang napansin namin ni Papa kaya palagi siyang sakitin lalo na't malamig sa amin.
"Oo naman! kahit mag dagat pa, oh."
"Pero bawal mag inom, ha!"
"Ay, bakit?" He asked. A little disappointed.
"Bawal na nga iyon, lalo na sa 'yo, Pa." Pag papaalala ko. "Makinig ka dapat sa doctor," Nakatayo parin ako sa harapan ng apartment.
"Sino ba ang doctor ko?"
"Ako, syempre!" Dahil doon sabay kaming tumawa. Namimiss ko na talaga si Papa. Hindi na ako makapag hintay na umuwi sa amin. Sobra.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.