"Sure ka ba hindi scam 'to?" Bulong sa akin ni Dovic nang makaupo na kami sa isa sa mga table dito sa coffee shop na sinasabing meet-up place namin ng kakapulot ng ID ko.
"Kung scam 'to anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya. Kanina pa ako naiirita. Kesa sa sabihin niyang mabuti may nakapulot, tinatakot pa ako baka daw niloloko lang ako.
'Hindi ka daw kaseryoso-seryoso. Payag ka 'non?'
Pikunin pa naman ako.
Kaya iyon... nasuntok ko na.
Napansin niya ata na nakatingin ako sa kaniya kaya simple itong ngumiti dahilan para mapadaing siya at mapahawak sa kaniyang medyo namamagang pisnge.
"Sana naman maguilty ka kahit kaunti..." pabebe niyang usal. "Isusumbong kita kay Papa, sinasabi ko sa'yo, napaka sakit..."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kailan mo pa naging papa ang papa ko? kapal rin ng mukha mo, e 'no." Hindi naman namin siya pinabayaan pero bakit?
"Ikaw, napaka sama mo sa akin! Parang wala tayong pinag samahan, ha?" Napahawak ito sa kaniyang dibdib.
Napairap ako.
Ayaw ko nang makipag usap dito. Baka masakal ko pa in public. Kawawa naman ang image ko.
"Mag girlfriend ka nalang para hindi mo na ako guluhin." Sabi ko sakaniya tsaka binaling ang atesyon sa labas ng coffee shop ng makitang may humintong kotse doon.
"Utot! Girlfriend? wala sa vocabulary ko 'yan..." He said in a playful tone but later on, nag iba ito, naging seryoso. "Hindi ko kailangan ng girlfriend, Vel. Sa'yo pa lang sumasakit na ulo ko." Pero hindi nag tagal, humalakhak na rin ito.
Tingnan mo nga ang isang 'to. May sapak ata, tang ina.
YOU ARE READING
Up To Here
General FictionRoveli Siranao Up to Duology Book One. Not an ordinary epistolary. I am not claiming the cover. The cover is not mine. Credits to the rightful owner.