113

57 2 0
                                    

Akala ko maabutan ko si Dovic sa loob ng bahay kasi hindi ko na siya nakita sa school kanina, pero nagulat ako dahil nauna pa pala ako sa kaniya umuwi.

I tried calling him pero walang sumasagot. Nag chat rin ako kay Kendrick kung kasama niya pa pero hindi na rin ito sumasagot sa akin.

"Baka busy..." Sabi ko habang inaayos ang lalagyan ng ulam para sa hapunan naming dalawa. Gusto ko siyang hintayin para sabay kami pero napapagod na talaga ako.

Nag lagay ako ng note sa lamesa na gisingin niya ako pag nandito na siya, para sabay parin kami. Iiglip lang ako tapos kain na pag nakauwi na si Dovic.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko, nag linis na kaagad ako ng katawan at nag suot ng pantulog. Hindi ko rin kinalimutan na mag chat kay Papa na matulog na para mas maging healthy siya. Masamang mag-puyat.

Nakatingin ako sa pader habang iniisip ang mga nangyari kanina. Hindi na nag chat sa akin si Jeri at Saren. Nag tampo kaya sila? hindi ko naman sinasadya... at tsaka ayaw kong magalit sa akin si Dovic.

Pag nagkita-kita kami bukas sasabihin ko na iyong mga pinagusapan namin nila Saren. Ayaw kong mag tago sa kanila kasi kaibigan ko sila. Diba? hindi naman masamang mag sabi ng totoo.

Up To Here Where stories live. Discover now