Chapter 38

321 18 4
                                    

Alyjah

Tinitigan ko ang likod ni Ely habang hila-hila ako sa kamay. I was upset upon knowing that she's with my father and they spend time together with Ashley. I am jealous, alright! At lalo akong nagpupuyos sa galit dahil mukhang in-enjoy ni Papa na kasama sila.

Nagseselos ako dahil ni minsan hindi nagawa ni Papa sa akin ang bagay na iyon. Hindi niya ipinaranas ang kasiyahan ng buong pamilya na namamasyal na masaya. Hindi niya ako binigyan ng magandang memorya sa aking kabataan kasama sila ni Mama.

At ngayon, lalo niya lang dinagdagan ang inipon kong sama ng loob. He looks happy when he's looking at Ashley. He is somewhat very caring person when it comes to Ely. Noong una pilit ko iyong binabalewala, but now, why I'm feeling suspicious? Bakit nakakaramdam ako ng ganito?

Nang makarating kami sa kusina ay kasalukuyan ng naghahanda si nanay Minda sa hapag. Bago ako pumanhik, hiniling kong magluto siya ng buttered shrimp at may kasama pang chicken kaldereta na isa rin sa paborito ko.

"Narito na pala kayo halina't kumain na kayo," anyaya niya sa amin na malawak ang ngiti sa labi.

Hindi ako umiimik habang sabay namin hinila ang upuan at pumuwesto.

"Kayo, Nay?"

"Kumain na kami ni Juancho. Hala, kumain na kayo. Tutungo lamang ako sa likod-bahay at may inaasikaso ako roon."

Nagkatinginan kami ni Ely nang mapag-isa na kami sa kusina. Nginitian niya ako kaya naman napangiti na rin ako sa kanya. Sinandukan ko siya ng kanin at buttered shrimp. Kalalapag ko pa lamang ang pinggan niya nang may umabot doon at inilayo sa kanya.

Nagdilim ang mukha ko nang pagtingala ko ay si Papa ang naroon. Hindi naman maipinta ang itsura ni Ely na para bang biglang  hindi mapakali nang makita si Papa.

"Ely can't eat shrimp, she's allergic to it!" Bumaling siya kay Ely na nanlalaki ang mga mata habang ako ay nakatingin lang sa kanya. "Nabanggit mo ito kanina," ika niyang may malamyos na tinig.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara. Putang-ina! At ipinamumukha ba niyang mas marami siyang alam tungkol sa asawa ko? Kanina niya lang nakasama ng matagal si Ely pero alam na niya ang mga bagay na iyon. Bullshit!

Pinag-aralan ko ang kilos ni Ely na nakayuko na para bang batang may kasalanan. Naging ganoon na ba sila ka-close para masabi niya kay Papa ang mga bagay na bawal sa kanya?

Naupo si Papa sa harap namin. Nagsandok ito ng ibang ulam at kanin, pagkatapos ay ibinigay iyon kay Ely.

"Eat, hindi ka masyadong nakakain kanina," ika niya at matipid pang ngumiti. Halos masuka ako sa lambing ng boses niya kay Ely.

Naibaba ko ang aking kamay sa aking hita at mariing nakuyom iyon. Nangngitngit ang aking mga ngipin at matalim ang tingin kay Papa.

Tatayo na sana ako para umalis doon nang hawakn ni Ely ang nakakuyom kong kamao. Tila napawi ang galit na gusto nang sumiklab para sa aking ama. Muli akong bumaling sa kanya, nagsusumamo ang mga mata niyang tumitig sa akin.

Inalis niya ang nakapatong niyang kamay at nagsandok ng pagkaing inilagay sa pinggan ko. Napatitig akong muli sa kanya.

"Kumain na tayo, sayang naman ang mga pagkaing inihanda ni Nanay kung iiwanan mo lang." Halata ang panginginig sa kanyang boses at alam kong pilit niya lang pinapakalma ang sarili.

Nanatili akong nakatitig sa kanya nang ilapag niya ang pagkain sa harap ko. Umiwas siya sa titig ko at muking naupo. Nagsimula na siyang sumubo.

Nilingon ko si Papa. Seryosong nakamata siya sa amin, tumagal pa nga ang titig niya kay Ely na nakatungo lamang.habang kumakain.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon