Chapter 67

387 27 16
                                    

Kahit gustuhin kong puntahan agad si Ely, I've been caught of some business work and couldn't go.

Isali pa ang biglang pagdating ni Papa. Ang paghingi niya ng tawad at ang planong maagang pagreretiro. At ang desisyon niyang manatili na sila ni Ashley sa America, kasama si Mama.

I just couldn't believed at first! Akala ko talaga ay nagkaroon lamang sila ng closure. Hindi ko talaga inakala na magkakabalikan sila at gustuhin ni Mama na manatili sa tabi ni Papa, kasama pa ang anak ni Papa.sa ibang babae.

I'm not against it. Hindi ko nga lamang talaga maintindihan.  Pero hindi ko muna poproblemahin iyon. I want what is mine back to me. I want Ely no matter what.

Balak kong hindi muna agad magpakita kay Ely. Ayaw ko siyang gulatin at baka bigla na naman siyang mawala. Pero minabuti kong malapit lang sa kanya kaya umupa ako ng isang kuwarto dalawang pinto lang ang layo sa kanyang tinitirhan.

Sa unang araw ay para akong stalker na nakasunod sa kanya. Suot ko ang itim na t-shirt at itim na pants with matching itim na cap. Naglagay rin ako ng sunglasses para mas lalong maitago ang mukha ko. Natawa pa ako sa sarili dahil mukha akong gangster o mangingidnap. I might do that, kikidnapin ko na lamang si Ely kapag ayaw niyang sumama sa akin. Kung hindi siya makuha sa santong dasalan, kukunin ko ulit siya sa santong paspasan.

Ipinilig ko ang aking ulo sa naiisip. Baliw na talaga ako.

Ngayon ay nakamasid ako kay Ely sa malayo habang abala siya sa pagtitinda. Nagtiim bagang ako nang makita ko siyang napaupo at tila hapong-hapo. Halos kalahating araw na rin siyang nagtitinda. Mukhang nais nilang ipaubos ang kanilang paninda.

"Miss!" tawag ko sa dalagang dumaan.

Sa una tila natakot at ayaw lumapit sa akin kaya tinanggal ko ang sunglass kong suot. Bigla ay napangiti ito at may landing lumapit sa akin.

"Wrong move Ali!" Pagalit na saad ko sa sarili.

"Yes, pogi!" ika niyang may pakagat labi mo.

Takteng kaguwapuhan ito.

"Ahmmm, puwedeng makisuyo, Miss." Ayaw ko na sanang ituloy pero narito na ako. Lumapit ako sa babae at binulungan ito.

Tinaasan niya ako ng kilay at hindi makapaniwalang tumingin sa akin na para bang joke ang sinabi ko.

"Seryoso?" tanong pa niyang dismayado.

Tumango ako. "I'm serious."

Muli niya akong tinitigan nang matagal. Akala ko ay hindi niya gagawin ngunit inilahad niya ang kanyang kamay kaya napangiti ako. Iniabot ko sa kanya ang dalawang libo na pambili niya sa lahat ng paninda nila Ely. Ang sukli ay sa kanya pati na rin ang mga gulay na bibilhin.

"Just don't tell if they ask!" bilin ko na muling nilagay ang sunglass.

"Duh! Tanga ba ako?" masungit niyang turan at itinuro pa ang sarili.

"Thank you, Miss."

"Adelyn," sabi niya bago ako tuluyang iniwanan.

Habang pinapanood ko siya na bumibili ay hindi ko maiwasang mapansin na tila ba naka-disguised ang babae. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang napansin nang makitang paalis na siya dala ang mga pinamili. Kunwaring kumaway siya pero alam kong para sa akin iyon.

Ngayon ay abala na sina Ely at matandang kasama niya sa pagliligpit. Nang matapos ay agad silang naghiwalay. Lihim kong sinundang muli si Ely. Akala ko ay pauwi na siya pero nagtungo pa siya sa isang karinderya.

Akala ko ay kakain lamang siya. Pero noong nagsuot na siya ng apron, dismayado akong naupo sa pinakagilid at sa lugar na hindi masyadong kapansin-pansin.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon