Chapter 23

631 23 33
                                    

Namutla ako at tila nawalan ng dugo sa mukha. Nanginginig ang kamay kong inabot ang seatbelt at pinakawalan ang sarili roon. Wala rin nagawa si Lauro nang mabilis kong buksan ang pinto at umalis.

Narinig ko ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Kahit pa nga gusto na akong sukuan ng aking mga paa.

Kasabay ng panginginig ng katawan ay ang patuloy na pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari lahat ng ito sa akin. Halos sabay-sabay ang problema at hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba.

Lutang akong naglakad ng mabilis. Gusto kong makalayo kay Lauro. Isa pa siyang dumagdag sa problema ko.

"Elyssa!" Mabilis niya akong nalapitan at hinablot paharap sa kanya.

Kasing bilis noon ang aking palad na dumapo sa magkabila niyang pisngi. Hindi lang tig-isa. Hindi ako tumigil hanggang hindi namanhid ang mga kamay ko. Malulutong ang tunog ng sampal ko sa kanya.

"Tama na! Tama na! Patahimikin mo na ako," umiiyak kong sigaw. "Tama na na naging isa akong kabit noon. At hanggang ngayon, pagbali-baliktarin man natin ang mundo,nakakabit pa rin sa akin ang pagiging kabit dahil sa isang pagkakamali!  Kaya tama na na naging makasalanan ako noong minahal kita. Please Lauro, tigilan mo na ako. Huwag mo na bulabugin ang buhay na meron ako!" Nanghihinang pakiusap ko. Nakakapagod! Nakakapagod mabuhay sa isang kasinungalingan.

Bigla niya akong hinila para yakapin ng mahigpit. Ang mainit na katawan at pamilyar na amoy ang nanuot sa aking ilong habang pasinghot-singhot akong nakasiksik sa kanyang dibdib.

Patuloy pa rin ang mahihinang suntok na ginagawa ko sa kanyang tagiliran.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa iyo sa nakaraang anim na taon. But believe me, Elyssa, I've been through hell without you. Pinilit kong kalimutan ka at huwag kang bulabugin. Lumayo ako para hindi ka na muling masaktan. Para itama muna ang lahat nang maging malaya na tayo, gusto kitang protektahan kaya lang..." napapaos niyang saad.

Napapikit ako ng mariin. Pinoprotektahan niya ako? Ayaw niya akong masaktan? Kailangan ko bang matuwa dahil doon? Kailangan ko bang ipagpasalamat iyon?

Sa pagkakapikit ko ng mariin ay biglang pumasok ang imahe ni Ali sa aking isipan. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang ngiti. Muli, ang masaganang luha sa mga mata ko ay naglandas.

Dahil sa pagmamahal, dahil sa pagkakamali namin ni Lauro noon. Hindi lang iisang buhay ang nasira. Hindi lang ako ang nasaktan at nalungkot. May isang Ali na labis ang pagdurusa at hanggang ngayon ay nakatanim ang poot sa puso. Galit sa babaeng sumira sa buhay nila.  Alam kong isa ako roon. Isa ako sa mga babaeng nanira ng isang buong pamilya. Inagawan ko ng kaligayahan si Ali.

Itinulak ko Lauro gamit ang natitira ko pang lakas. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa kanyang mukha. Matapang ang mukha kong  tumitig sa mga mata niya.

"Kalimutan na natin kung anong meron noon, Lauro. Please, ibaon na natin sa limot ang lahat. Kasal na ako kay Ali. Asawa ko na ang anak mo..."

"Bago ang anak ko ay ako, Elyssa. Bago siya, ako ang mahal mo. Kilala kita ng lubusan. Kilalang-kilala kita..."

Umiling ako nang umiling.

"Oo, kilala mo ako, noon. Pero iba na ang ngayon, Lauro. Hindi na ako ang Elyssa na nagpapadikta sa sinasabi ng puso. Hindi na ako ang babaeng iyon sa nakaraan mo. Pag-aari na ako ni Ali, ng anak mo! Kaya sana huwag mong kalimutan na may asawa ka rin na naghihintay!" Nagulantang ako nang bigla niya akong hawakan.

Mahigpit ang pagkakahawak  niya sa magkabila kong braso. Ramdam ko ang galit niya sa pamamagitan ng pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko ay mababali ang aking buto.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon